Curse 13

756 44 4
                                    

BRITTANY SUNLIGHT


Kumagat ako sa sandwich na binili ko saka tiningnan si Bethany na nakatulala sa hawak niyang pagkain.


Napailing si Brianna bago siya tinapik sa balikat. "Kain."


Mukhang natauhan naman siya nang bigla niyang buksan 'yong pagkain niya saka kumagat nang malaki.


Nabalik ang atensyon ko sa harap dahil sa ingay ng mga classmates namin. Ang karamihan, nasa labas dahil kumakain, pati na sina Rhyme kaya hindi na kami lumabas at sinamahan na lang si Bethany dito sa room.


"Talagang itutuloy mo ang pag-iwas?" tanong ni Brianna saka sinandal ang likod. "Alam mo, dalawang taon pa bago mangyari 'yon. Marami tayong pwedeng gawin para mapigilan mangyari ang mga nakita mo. Hindi 'yong gan'to ka, halatang nahihirapan sa ginagawa mo."


Nilingon siya ni Bethany na nakakunot ang noo. Nagbuga siya ng hangin saka naguguluhang napahilamos gamit ang mga palad.


"Anong gagawin ko?"


Nagkatinginan kami ni Brianna. Binaba ko ang bote ng tubig saka siya hinarap.


"'Wag kang magpapagabi sa araw na 'yon. Pwede rin namang 'wag ka na lang pumasok," suhestiyon ko.


"O kaya, umalis ka. Lumayo ka sa lugar kung saan nangyari 'yon."


"Kung gusto mo, iwasan mo 'yong school na papasukan mo. Natandaan mo ba 'yong suot mong uniform? 'Wag ka na lang doon."


"Pwede ring, kami ang kasama mo hanggang kinabukasan. 'Wag mong kontakin si Tune sa araw na 'yon."


Palipat-lipat ang tingin niya sa'min habang pinakikinggan ang mga suhestiyon namin. Nanatili siyang tahimik na tila kinokonsidera ang mga sinabi namin sa kaniya. Magtataas na sana siya ng tingin pero natigilan siya.


"'Nong gabing 'yon, hihingi sana ako ng tulong," mahina niyang saad. "Naghanap ako ng tatawagan sa contacts ko sa phone kasi walang ibang tao sa paligid. Nakita ko 'yong ibang pangalan, lalo na no'ng huminto ako sa pag-scroll."


Tinaas niya ang tingin saka kami tiningnan dalawa.


"Sa B. Sa B ako huminto."


Oh, anong meron? Bumakas ang pagtataka sa'min maski sa kaniya. Para bang may hindi siya maintindihan sa mga nakita niya. Nanatili lang kaming tahimik ni Brianna habang nakatingin sa kaniya at hinihintay siyang magpatuloy.


"Dalawa lang ang naro'n. Number ni Beat at kay Brianna."


Nanlamig ako sa narinig. Halatang nagulat din ang huli sa sinabi ni Bethany. Tiningnan nila akong pareho, akmang magsasalita pa siya nang magpasukan ang magpipinsan.


Natahimik kami at iniwasang tingnan ang direksyon ng tatlo. Nagpatuloy sa pagkain si Bethany, habang nagkalikot na lang sa cellphone niya si Brianna.

Gifted with Curses (Completed)Where stories live. Discover now