Curse 2

1.1K 53 2
                                    

BRITTANY SUNLIGHT


Nagkulong ako sa kwarto buong araw kahapon. Katok naman nang katok ang dalawa para pilitin akong lumabas. Hindi rin naman nila mabuksan ang pinto dahil may isang lock pa ang kwarto ko. Dahil sa kakayahan kong 'to, bihira lang magsabi ng problema sa'kin ang dalawang 'yon.


Kinuha ko ang towel ko saka lumabas. Okay naman na ako ngayon. Ang kaso lang, hindi na naman ako nakatulog nang maayos. Naabutan ko ang dalawa sa kusina. Agad silang lumapit sa'kin saka tiningnan ang itsura ko. Tila nakahinga naman sila nang maluwag.


"Akala namin, madadatnan ka naming maga ang mata mo," saad ni Brianna.


Hindi naman ako umiyak. Talagang sobrang bigat lang ng pakiramdam ko. Nasaktan ako nang walang dahilan.


"Kumain ka na. Tumanda ka nang ilang buwan sa loob ng isang gabi," sabi ni Bethany saka sila bumalik sa upuan nila kanina.


Pagkatapos naming kumain at mag-ayos, umalis na kami agad para pumasok. Baka ma-late kami dahil natagalan pa si Brianna kanina nang may isang galit na kaluluwa ang nangulit sa kaniya. Hindi naman kami makatulong kasi hindi namin kayang makita 'yon. May mga gamit pang nabasag sa kwarto niya.


Katulad kahapon at sa mga nagdaang buwan, pinagtitinginan pa rin kami. Mga walang magawa sa buhay. Isa 'yan sa mga kasalanan ng mga tao. Pagiging judgmental. Paghahanap ng mali sa kapwa.


"Brittany, my Sunlight," bungad ni Michael pagkapasok namin sa room saka ako muling hinarang. Binaba niya ang mukha niya para ipantay sa'kin. "Hindi ka ba naiinitan?"


Pati sina Brianna, hindi rin makalagpas dahil sa mga kaibigan ng asungot na 'to. Sinamaan ko siya ng tingin.


"Wala kang paki ro'n. Lumayas ka sa harap ko," sabi ko na nagpangisi sa kaniya. Akala niya ba, bagay sa kaniya? Mukha siyang ugok.


"Bakit ka ba galit sa'kin?" tila nagtatampo niyang tanong. Kadiri talaga ang hinayupak na 'to.


"Pa-hard to get, 'tol," saad ng tropa niyang nangingitim ang labi dahil sa bisyo.


Ha! Ano raw?


Malakas kong tinulak si Michael at akmang susugurin ang tropa niyang mukhang aso. "Hoy, pangit! Mag-toothbrush ka muna sa susunod bago ka magsalita," nababanas kong saad. Hinawakan ako sa braso ng ugok para pigilan akong basagin ang buto sa ilong ng kaibigan.


"Whoa, whoa, easy!" awat ni Michael.


Malakas kong binawi ang braso ko mula sa kapit niya. Mukhang natutuwa pa siya sa nangyayari. Kapal ng mukha ng mga 'to. Mabuti na lang at halos sa mga classmate namin ay nasa labas pa.


"Anong nangyayari rito?" Sabay-sabay kaming napalingon sa pintuan. Narinig ko ang pag-ungot ni Bethany dahil sa mga nakita.


The Sullivans.


Nakapamulsa ang parehong kamay ng lalaki sa gitna habang tinitingnan kami isa-isa. Nang dumapo ang mata niya kay Bethany, gumuhit ang isang ngiti sa labi niya. Daryl Tune Sullivan. Ang mokong na feeling close sa'min.

Gifted with Curses (Completed)Where stories live. Discover now