Curse 14

798 50 2
                                    

BRITTANY SUNLIGHT


"Ano na naman? Ang aga-aga, tawag ka nang tawag," inis na sabi ni Bethany sa kausap sa cellphone.


Pasado alas-nuebe na pero ngayon pa lang kami mag-aagahan. Pare-parehong napasarap ang tulog namin lalo na't sabado naman. Sumubo ako sa sinangag na kaluluto lang ni Bethany.


"Si Tune 'yan, 'no?" tanong ni Brianna sa'kin pagkaupo niya sa tabi ko.


"Panigurado."


Napailing kami pareho. Pagkatapos naming sabihin sa kanila ang lahat, balik sa pagiging makulit si Tune. Syempre, lalo na kay Bethany. Kahit parang sira na naman ang isang 'yon, mas okay nang gano'n, kaysa naman wala sa sarili si Beth.


Kasusubo ko lang ulit nang tingnan ako ng huli. "Nasa'n cellphone mo?" Tumuro ako sa taas at hindi na nag-abalang magsalita. Inabot naman niya ang phone niya sa'kin na kulang na lang, itulak niya sa mukha ko. "Ikaw na kumausap."


Agad kong nilunok ang kinakain saka tinapat sa tainga ko ang cellphone niya. "Bakit?"


"Good morning din."


"Kumakain kami, anong kailangan mo?" Saglit akong humigop sa kape ko.


"Bakit ba ang sungit niyo ni Bethany? May dalaw ba kayo?"


Kumawala ang tawa sa'kin dahil sa sinabi niya. Naiiling akong sumandal. "Sorry, sorry. Pero ano nga? Bakit?"


"May gagawin ka ba mamaya?" Napataas ang isang kilay ko at hindi nakasagot. "Oy, oy! Hindi kita aayaing lumabas, loyal ako kay Bethany babes! 'Wag kang assuming."


"Sira. Masiyado kang nagpa-panic, 'di rin naman kita type."


Narinig ko ang malakas niyang tawa. "'Yong mukhang 'to, hindi mo type?"


Napaikot ang mata ko. "Pwede bang deretsuhin mo na 'ko? Kumakain kami, mas importante ang grasya kaysa sa'yo."


"Ouch. Ang sakit mo naman magsalita!"


"Ibababa ko 'to."


"Ito na, ito na. Aga-aga, masiyadong hot. May gagawin ka ba mamaya? May pupuntahan? Aasikasuhin? Ano?"


Tumigil ako at binitiwan ang kutsara. Bukas pa naman ako may pupuntahan. May kukunin lang na konting gamit sa bahay namin sa Caloocan at para dalawin na rin sina mama at papa. Ayaw namang sumama ng dalawa sa'kin dahil aksayado sa pamasahe saka tinatamad si Brianna.


Umiling ako pero napagtanto kong hindi nga pala ako nakikita ng kausap. "Wala. Bukas pa."


"'Yon! Samahan mo naman si Rhyme, oh?"


"Saan? At bakit ako?"

Gifted with Curses (Completed)Where stories live. Discover now