Monique and Maureen

1K 47 12
                                    

Special Chapter

---

MONIQUE


Nabitiwan ko ang mga grocery bags na hawak dahil sa naabutan kong pangyayari pag-uwi.


Halong galit, sakit, at takot ang nararamdaman ko.


"Anong ginawa mo?!" sigaw ko.


Akmang tatakbo ako palapit sa walang buhay na katawan ng asawa ko nang biglang humarang ang kapatid ko. Halos mapuno ng dugo ang mga kamay niya, may talsik din siya sa mukha at balat.


"Niloloko ka niya!" galit na sigaw ni Maureen habang bakas sa mata ang panggagalaiti. "Ate, marami siyang babaeng kinakalantari!"


Marahas kong pinunasan ang luha sa pisngi ko. "Pagkatapos mong magtago nang ilang buwan, magpapakita ka ngayon at gan'to ang gagawin mo?!"


"Hindi siya karapat-dapat sa buhay niya. Masama siyang ta---"


Patuloy pa ring hinahanap ng mga awtoridad ang babaeng nangngangalang Maureen de Leon para sa salang pagpatay sa dalawang pulis, tatlong lalaki, at isang babae. Hanggang ngayon tinutukoy ang maaaring motibo ng suspek sa pagpatay sa mga biktimang 'to.


Sabay kaming napatingin sa telebisyon nang marinig ang balita.


May mga nakapagsabing nakita ang suspek sa Valenzuela kahapon at may tinangka na namang patayin ngunit huli na para mahuli ito ng mga awtoridad nang mabilis na naman itong makatakas. Hindi tumi---


"HINDI AKO KRIMINAL!" galit niyang sigaw saka malakas na tinulak ang telebisyon. Gumawa 'yon ng malakas na ingay nang bumagsak sa sahig.


"Sumuko ka na!" madiin kong saad sa kaniya.


Naiinis niyang ginulo ang buhok saka umiling.


"Hindi, ayoko! Masiyadong masama ang mundo! Delikado!" Napahilamos siya gamit ang mga palad. Ni hindi niya alintana ang dugong kunakalat sa mukha niya. "Hindi ako pwedeng mahuli hangga't hindi ko naaayos ang mundong 'to para sa inyo nina mama!"


"Hindi mababalik ng ginagawa mo si Marcus!" Dinuro ko siya habang taas-baba ang balikat dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko.


Napatigil siya at tila natulala sa'kin. Kumawala ang luha sa mata niya kahit na walang emosyon ang mababakas sa mukha niya.


"Si bunso... ang bunso natin. Pinatay ng mga hayop na masasamang taong 'yon." Naglakad-lakad siya sa buong sala, hindi mapakali at nagpa-panic. "Mga walang kasing-sama, walang awa... mga demonyo sila!"


"Tumigil ka na! Nagiging katulad ka lang nila!"


Gifted with Curses (Completed)Where stories live. Discover now