Curse 3

1K 54 2
                                    

BRITTANY SUNLIGHT


Mabagal ang paglalakad namin papasok sa Lore University. Halatang tamad na tamad pumasok ngayong araw. Hindi kami nakatulog nang maayos dahil binagabag kami ng mga bagay na maaaring mangyari kay Sir Eric. Idagdag pa na nag-ayos kami ng kwarto ni Brianna.


Ilang beses naming hiniling na sana ligtas ang guro namin. Kung maaari, 'wag sanang magkatotoo ang sinabi ng kaluluwang nakausap ni Brianna pero kailan ba sila nagkamali? Laging nangyayari ang mga binabahagi nilang impormasyon.


"Good morning!" masiglang bati ni Tune saka bahagyang binangga sa balikat si Bethany. Napairap ang huli saka mas dumikit sa'kin.


Sumabay silang magpipinsan sa'min kahit parang nasa parke kami kung maglakad. Tanging si Brianna lang ang nakabati pabalik. Parang gusto ko nang bilisan ang lakad ngayon para lang makalayo sa isa sa kanila. Hindi na ata talaga ako matatahimik dahil sa mga kakaibang kakayahan ko. Masakit na nga sa mata na makita ang mga aura ng bawat tao, tapos mararamdaman at mahahawa pa ako sa emosyon ng iba?


Dude, this is tiring! Kung pwede ko na lang ikulong ang sarili ko sa bahay, ginawa ko na.


Hindi naman kami gano'n ka-close sa kanila kaya hindi masiyadong nakadikit sa'min ang dalawa. Tanging ang kupal na si Tune lang ang lumalapit sa'min nang sobra na para bang kaibigan na namin siya simula pagkabata. Pero kahit gano'n, ramdam ko na naman ang emosyon ni Rhyme.


Talaga bang araw-araw siyang malungkot?


Napag-usapan din namin ang tungkol dito kagabi, kahit pa mabubuting tao ang mga 'to, hindi pa rin kami basta-basta pwedeng mapalapit sa kanila. Syempre ang nangunguna sa pagtutol sa ideyang mapapalapit kami sa tatlo ay si Bethany, dahil naiirita raw siya kay Tune tuwing kinukulit siya nito.


Hindi rin naman ako sang-ayon sa ideyang 'yon dahil kay Rhyme. Ayokong araw-araw ring malungkot tulad niya. Kahit na makatutulong ang abilidad ko na mabawasan ang lungkot niya, ako rin ang mahihirapan. Bakit kasi biglang naisipan na lang ni Tune na ipakilala sa'min ang mga pinsan niya?


"Manahimik ka nga, Tune! Ang aga-aga," nababanas na sabi ni Bethany pero patuloy lang sa pagkukwento sa kaniya ang lalaki. Mukhang natutuwa pa nga kasi naiinis niya ang kapatid namin. "Arghhh!" Binilisan niya ang lakad pero nakasunod pa rin sa kaniya si Tune.


Nang tingnan ko si Brianna, nakita kong nag-uusap sila ni Beat. Akala ko ba, napagkasunduan na namin 'to? Hindi kami makikipagclose sa tatlo pero ano 'tong ginagawa nila? Tuluyan na kaming naiwan ni Bethany at Tune, habang 'tong isa naman, nakalimutan na atang kasama niya ako.


Tahimik na naglalakad sa gilid ko si Rhyme at deretso lang ang tingin sa harap. Pinilit kong kumalma at isiping wala siya sa tabi. Sasabunutan ko talaga ang dalawang kapatid ko mamaya pag-uwi.


Halos mapatalon ako nang maramdaman ang pagdikit ng balikat ni Rhyme sa'kin. Iniwasan niya kasi ang grupo ng mga estudyanteng nakasalubong namin. Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin kaya tumingin ako sa malayo.


"Naiilang ka ba sa mga tao o may problema ka sa'kin?" biglang tanong niya. Mababa ang boses nito at kalmado. Pero nang tingnan ko siya, pinagkunutan niya ako ng noo.

Gifted with Curses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon