CHAPTER 2

6.8K 188 7
                                    

Xanxy pov

Lumabas ako ngayon kasama si Allysa. Busy kasi ngayon si Samantha tumutulong sa nanay niya na maglako ng gulay. Sa aming tatlo ako ang pinaka-mayaman at ang pinaka-mahirap sa amin ay si Samantha. Scholar silang dalawa sa Allister ako naman hindi. Si Allysa naman nasa ibang bansa ang magulang nya kaya naghihintay na lang siya ng padala. Kaso minsan nade-delay kaya ako ang nagbabayad para sa kaynya, ako narin ang sumasagot kay Samantha. Nasa mall kami ngayon naghahanap ng mapipiling damit sagot ko naman lahat, eh. Napunta kami sa bilihan ng mga gitara at na-engganyo naman akong bumili ng isa kaya kinuha ko 'yong kulay itim.

Natapos na kami mag-shopping, napagdesisyonan namin na pumunta kila Samantha sakto naman na may pasalubong ako para sa kaniya at sa pitong kapatid niya.

"Hala be, wala ka palang kotse 'no?" Tanong ni Allysa. Oo nga pala hindi ko nadala.

"Ah oo nga pala, mag-taxi nalang tayo," suggest ko.

"Ano pa nga bang gagawin natin kaso doon pa ang sakayan sa kabila tatawid pa tayo," tila tinatamad na sabi ni Allysa.

"Okay lang yan," sabi ko saka hinila sya sa pedestrian lain.

Zealous pov

Nasa kalsada ako nagma-maneho habang iniisip kung kailan ko ise-set ang enrollment. Nakakapagod kasi alas-dose na ako ng madaling araw nakatulog tapos babasahin ko pa 'yong request ng mga teacher. Hindi naman kasi ako trumpo na kaya 'yon ng sabay-sabay. Napa-preno ako ng may nakita akong tumatawid. Muntik ko na siyang mahagip. Agad akong lumabas para i-check kung okay lang siya.

"Okay ka lang ba Miss?" Tanong ko sa babaeng nakasalamin at busy sa pagdampot ng pinamili niya. "Nasaktan ba kita?" Isa pang tanong ko kaya napatingala siya sa'kin.

DUB!DUB!DUB!DUB!DUB!DUB!

X-xanxy B-buendia? shit hindi ako okay ang bilis ng tibok ng puso ko. Nakakayamot! Bakit ngayon pa? Saka lumang scene na 'tong ganitong kaganapan, eh.

"Okay lang ako," Mahinhin na sagot niya sa tanong ko. Ay, putangina nasa langit na ba ako?

"Okay lang kami Mr. Alli." Sabat ng isang nerd.

"Kilala mo?" Tanong ni Xanxy, so hindi niya pala ako kilala.

"Oo, siya ang may-ari ng school natin ano kaba?" Sa tono ng pananalita ng kasama nya parang gusto na siyang batukan.

"Ah... Salamat po sa concern Sir. Alli," nahihiyang sabi niya sabay ngumiti ng tipid. Napakunot naman ang noo ko ng tawagin niya akong Sir.

"Okay!" yun na lang nasabi ko.

Tumawid na ulit sila, ako naman pumasok na kotse ko at muling pinaandar ito. Napangiti ako sa 'di ko malamang dahilan. Nagkaroon nanaman ako ng gana sa lahat ng gagawin ko ngayong maghapon. Maya-maya nakarating na ako sa school, dumeretso ako sa loob ng computer room doon kami laging nagme-meeting.

"Sir!" Sabay-sabay na bati nila sa akin.

"Sitdown." Walang emosyon na sabi ko tapos umupo na rin.

"So lets start this! Nakatanggap ako ng isang report na may nagaganap daw na pambu-bully sa school ko. Matagal na daw to." Mataray na pagkakasabi ko. Hindi ako bakla, okay? Kailangan ko lang talaga silang sindakin.

"ahh.... ehh Sir...." tila 'di malaman ng principal kung paano niya ipapaliwanag ang pangyayaring iyon sa akin.

"At balita ko pa ay palagi nilang binu-bully ang tatlong babae dito. Sa pagkakaalam ko base sa mga nagsasabi ay nerd ang mga ito. Lagi silang nakakaranas ng pambu-bully sa mga taong nakapaligid sa kanila!" Isa pang sabi ko at nakita ko naman ang pag-yuko ng kanilang mga ulo. "Bakit niyo itinago ang kalokohang 'yon sa akin?! BAKIT?!" Inis na sigaw ko sa kanila.

THIS GIRL IS MY PROPERTY! [✓]Where stories live. Discover now