CHAPTER 19

2.6K 82 2
                                    

Zealous pov

Ngayon ang first day nila para sa swimming pero hindi ko talaga palalabasin tong babae na ito. She's now my property at hindi ko na siya hahayaang mapunta nanaman sa maling tao. Nasa may bintana ako habang nakatingin kela Sam na naliligo kaaga-aga 'e.

Maganda ang panahon ngayon, mataas ang sikat ng araw kahit sobrang aga palang. Kaya eto talaga ang napili kong lugar kasi alam ko namang mage-enjoy sila. Ewan ko lang sa isang to na tulog parin hanggang ngayon, siguro kakaiyak nya kagabi nakatulog nalang sya.

Ewan ko basta pag-ako kasama nya feeling nya di sya laging mage-enjoy. Actually di ko naman siya kino-kontrol. Ayaw ko lang naman mapahamak sya, ayaw ko lang malayo sya sakin no. Tch...di naman ako selfish ayaw ko lang talagang mawala sya sakin dahil nga, ayaw ko lang.

"Anong oras na?" Napalingon ako dahil sa boses na yun. Gising na pala sya.

"8 palang" walang lingon at walang emosyon na sabi ko sa kanya.

"Gusto ko lumabas Zealous" dahil sa sinabi nya napalingon ako at sumama nanaman ang tingin ko sa kanya.

"Ayoko!" Madiing tanggi ko sa kanya.

"Pero, gusto ko talaga lumabas kahit lumabas lang tapos di na ako maliligo basta lalabas lang ako" nakikiusap na sabi nya sakin.

"Hindi ako pumapayag, pag-sinabi kong ayaw ko. Ayoko. Tapos!" Inis na sabi ko sa kanya.

"Bakit mo ba ako kino-kontrol?" Inis din na tanong nya.

"Di nga kita kino-kontrol, feeling mo lang yan kasi pinagbabawalan kita. Pero hindi kita kino-kontrol" malumanay na sabi ko. Hangga't maari ayaw ko siyang sigawan kasi baka umiyak sya.

"E ano ba yung pagbabawal? Diba ganun narin yun? Nakaka-inis ka lagi ka nalang kontrabida sa buhay ko!" Inis na sabi nya. Okey nauubusan na ako ng pasensya sa kanya. Nakakainis na sya.

"Ayaw kong makipag-away sayo Shan, kaya please lang sumunod ka nalang sakin please lang hangga't maaari ayaw kong lumaban sayo" ayaw kong umiyak nanaman sya dahil sakin. Kagabi pina-iyak ko na sya.

"Lalabas ako at wala akong paki sayo!" Sabi nya. Pasaway na babae.

"Kapag lumabas ka sa pintong yan Shan. Kalimutan mo na kami nila Sam, wag ka ng magpapakita sa amin" Pananakot ko sa kanya.

"Ano bang problema mo sakin Zealous, magkaaminan nga tayo dito. Para naman alam ko yung dahilan mo kung bakit ako nalang lagi ang napagi-initan mo" sabi nya.

"Yun lang pala 'e madali lang ako kausap sige. Ang problema ko sayo, lagi nalang sarili mo ang iniisip mo, lagi nalang pakiramdam mo yung inuuna mo. Hindi mo alam pero minsan nasasaktan mo na ako Shan. Akala mo ba nakalimutan ko na yung sinabi mo sakin na sinungaling ako sa paningin mo. Hindi ko yung kinakalimutan Shan. Bakit mo nga ba sinabi sakin yun Shan? Diba dahil inuuna mo yung nararamdaman mo para kay Calvin?" Inis na sabi ko sa kanya "Hindi mo nga tinanong sakin kung totoo yung sinabi ko sayo, hindi mo nga tinanong kung pano ko nasabi 'e? Basta tinaboy mo ko, at hindi lang ako. Tinaboy mo kami Shan. Pero nasan kaba ngayon? Nasa amin ka parin kasi naiintindihan ka namin. Mahal kita, mahal ka namin. Ngayon mo sabihin sakin kung may karapatan ka bang magalit kung ginagawa ko lang naman lahat to para sayo. Kung may mukang tanga satin dito Shan. Ako yun, ako lang ang mukang tanga dito na inaari ka kahit alam kong hindi ako mananalo sa lalaking yun na lagi kang sinasaktan. Sana alam mo rin yung side namin Shan hindi puro pakiramdam mo nalang yung iniintindi mo" inis na sabi ko. Nakita ko nalang na umiiyak na sya.

"Tapos ngayon iiyak ka na parang kasalanan ko nanaman?" Inis na sabi ko, nasabunutan ko nalang ang sarili ko sa sobrang inis.

Xanxy pov

THIS GIRL IS MY PROPERTY! [✓]Where stories live. Discover now