CHAPTER 9

3.5K 130 8
                                    

Xanxy pov

Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko pindutin ang doorbell na nasa gilid ng pinto namin. Hindi ako handang makita ang mga reaksyon nila. Ewan ko lang kung makilala ako ni lola. Bumukas ang pinto at agad na bumungad sa akin ang matandang nasa edad 75 na. Maliit ng kaunti sa akin, si lola. Nginitian ko sya at nagulat ako ng bigla akong akapin.

Guys pwede ba ako umiyak? matagal ko ng hindi nararamdaman ang yakap ni lola. 2 Years kaming hindi nagkita, at hindi nagkaroon ng contact sa isat isa. Nakakatuwa lang talaga na ngayon sa harap ko mismo nakikita ko ang lola kong nagpalaki sa akin. Nagturo sa akin ng magandang asal, maganda at maayos na pananamit. Buti nalang talaga naka-jeans ako tapos t-shirt. Naka-rubber shoes din ako.

"Lola sino sya? bakit mo siya inaakap?" mataray na tanong ng kapatid ko. Diba hindi nya ako nakilala.

Bumitaw sa akin si lola tapos hinaplos ang pisngi ko na may luha. Hindi ko namalayan na napaluha na ako sa lagay na iyon. Sobrang na-miss ko talaga si lola.

"Ma sino sya?" tanong ni mama na nakatingin sa akin ng mapanuring tingin.

"Apo ang laki-laki mo na!" nakangiting sabi sa akin ni lola.

"Apo?" nagtatakang tanong ni mama.

"Hindi mo kilala ito? anak mo to jusko naman. Ang ganda yata ng apo ko ngayon?" nakangiting sabi ni lola. Nakita ko pa ang paglaglag ng panga nila mama bago ko binalingan ng tingin si Lola.

"Lola naman walang bolahan wala po akong dala para sayo!" natatawang sabi ko.

"Bakit nga ba tayo nagku-kwentuhan dito?. Halika nga at pumasok!" sabi ni lola at inakay ako papasok sa loob. Naupo kami sa mahabang sofa habang si lola hawak-hawak ang kamay ko.

"Apo naman akala ko tuloy nakipagtanan kana kasi ilang araw ka na daw hindi umuuwi dito" nagaalalang sabi sa akin ni lola.

"Lola talaga wag na po kayo masyadong magalala sakin. May inaasikaso lang po ako na importante pero dahil mas importante ka sa akin umuwi ako at iniwan yun!" hindi ako nambobola guys.

"Ahahaha bata ka talaga. Nga pala bakit ang ganda ng apo ko nagyon?. Halos 10 taon kong hindi nakita ang kagandahan na ito ah!" natatawang sabi ni lola.

Natawa nalang ako. Five years old ako kay lola na ako nakatira, sa probinsya ako nagaral ng elementary at highschool ko. Hindi na nagbago ang pagiging nerd ko, simula kasi elem. nerd na ako.

"Lola talaga, bakit ka nga po pala napadalaw dito sa maynila?" nagtatakang tanong ko.

"Nami-miss kita apo 'e saka wala naman akong ginagawa doon sa probinsya. Dito ko rin gusto i-celebrate ang birthday ko para kasama kita!" awwt napaka-sweet naman talaga.

"Lola talaga. Lalanggamin ka na dyan sa kasweetan mo!" pagbibiro ko.

"Oh bakit kayo nakanganga dyan? saka sino yung kasama ni mama?" tanong ni dad habang bakatingin sa amin.

Binalingan ko ng tingin si mom at Diana. Nakanganga parin sila. Si dad naman nakatingin sa akin kaya ngumiti ako. Lumingon din si lola kung saan ako nakatingin.

"Ano ba yan Diana umayos nga kayo ng nanay mo?" saway ni lola kaya napaayos naman sila.

"Ma sino yang kasama mo?" tanong ni daddy at itinuro pa talaga ako.

"Isa ka pa! hindi nyo kilala ang sarili nyong anak. Hindi narin siguro ako magtataka dahil hindi naman kayo ang nagpalaki sa kanya" ang taray ng lola ko.

"X-xanxy?" hindi makapaniwalang tanong ni dad.

"Hi dad!" nakangiting bati ko sa kanya.

"H-how?? ang panget mo kaya, nakakadiri ka kaya!" hindi makapaniwalang sabi ni Diana.

THIS GIRL IS MY PROPERTY! [✓]Where stories live. Discover now