CHAPTER 8

4.1K 138 2
                                    

Xanxy pov

Nakangiti kong sinalubong ang umaga. Masaya ako kasi uuwi ako mamaya o di kaya bukas sa bahay para kay lola. Masaya ako kasi hindi kami papasok ngayon at magte-training lang kami. Hindi ko alam pero bigla nalang ako tinamad na pumasok, siguro dahil nakikita ko ang mga nakakailang na tingin. Binuksan ko ang kurtina na nakatabing sa bintana, agad na sumalubong sa akin ang mataas na sikat ng araw. Nilingon ko ang wallclock na nasa itaas ng bintana. Alas-otso palang pala ng umaga, mamaya pa naman kami kukunin dito ni Zealous.

Nagbalak ako na magtungo sa banyo upang maligo. Syempre bago iyon inihanda ko muna ang isusuot ko na jeans, crop top ata ng isusuot ko mamaya na heels. 5 Inch lang naman yung heels kaya alam kong kaya ko. Matapos kong ihanda ang isusuot ko pumasok na ako sa banyo ng dala iyon. Hindi lang naman ako nagiisang babae dito, tatlo kami at kahit sabihin babae din naman sila may hiya parin ako.

Binuksan ko ang shower at hinayaang umagos ang tubig sa katawan ko. Hindi naman siguro wierdo yung klase ng babae na gumagaan abg loob kapag pinagmamasdan ang patak ng tubig mula sa aking ilong. Hindi naman kasi FLAT ang ilong ko. I have a POINTED NOSE not DISSAPOINTED. Wala lang trip lang diinan, proud ako sa ilong ko. Sinimulan ko ng lagyan ng shampoo aag ulo ko at hiluran ang katawan ko. Tabi-tabi po sa mga taong hindi pa naliligo eherrmm.

Nakatapos ako ng hindi ko namamalayan. Siguro dahil sa mga kalokohang naiisip ko. Nagbihis na ako at binalunbin ang tuwalya sa ulo ko. Pagkalabas ko ng banyo nakita ko yung dalawa na natutulog parin. Buti nalabg may tatlong kama dito dahil kung wala, paktay kami kay Sam. Malikot kasi matulog si Sam, minsan nga nakitulog sya sa bahay bigla syang nalaglag sa kama ko. Gusto kong matawa that time kasi parang wala lang sa kanya, bumangon lang sya tapos bumalik sa higaan tulog na ulit.

Napailing nalang ako sa mga naiisip ko. Aba napaparami na yata ang naikukwentp ko sa inyo tungkol sa uagli ng mga kaibigan ko. Nakaramdam naman ako ng gutom kaya ayun pumunta ako sa kusina tapos naghagilap kung anong laman ng ref. Hmm let's see cake, cupcake, gatas, gulay, chocolate, juice, prutas at ooohh mmyyy gggoodd ang paburito kong macaroni salad. Mabilis ko itong kinuha at naglagay sa plato tapos umupo sa bangko at tahimim na kumain.

Wala na bang magagawa sa buhay ko ngayon?. Pero alam nyo mas gusto ko itong buhay ko ngayon, tahimik, walang umaaway, walang nananabi ng malandi. Sana lagi nalang ganito ang buhay ko, sana lagi nalang ako tahimik, yung parang walang problema. Masakit kasi sa ulo kapag may problema ka, masakit din sa atay balunbalunan.

"Good morning Shan!" masiglang bati sa akin ni Ysa kaya naman napatigila ako sa pagiisip.

"Morning Ysa. Si Sam tulog pa ba?" tanong ko.

"Ah hindi na palabas na yun ng banyo!" sagot nya. Umupo din sya sa isang upuan na nasa tapat ko tapos nagtimpla ng milo nya.

Ibang klase namang babae si Ysa. Ayaw nya ng gatas, ayaw nya ng kami o kahit na anong imported na kape mas gusto nya talaga ang milo. Halos makipagpatayan na siya kapag milo ang pinauusapan. Kaya hindi kasi lumalaban sa kanya kapag ganyan ang usapan kasi nauuwi sa away.

"Morning!" bati ni Sam at dumeretso na sa pag-upo.

"Shan ano ba yang kinakain mo?" tanong sa akin ni Sam. Nahalata nya kasi ma masyado akong busy sa pagkain ko.

"Uhm Macaroni salad" sagot ko sa kanya. Ang sarap kaya.

"Nagkape ka naba?" tanong pa ulit sa akin ni Sam.

"Hindi pa!" maikling sagot ko bago kumain ulit.

"Seriously?! kumain ka nyang malamig na yan tapos hindi ka manlang nagkape. Gusto mo ba talagang sumakit ang tiyan mo?" naiinis na sabi sa akin ni Sam. Napasimangot nalang ako.

THIS GIRL IS MY PROPERTY! [✓]Where stories live. Discover now