CHAPTER 29

2.3K 61 16
                                    


This chapter is dedicated to:
MsUnworthyMe

Xanxy pov

Nagising ako ng may sticky note sa may study table ni Zealous. Hindi na ako nag-abalang basahin yun. Ayaw ko munang makakita ng kung anong galing sa kanya. Hanggang ngayon kasi naiinis parin ako dahil pinapamuka nya sakin na tinulungan nya lang ako dahil naaawa sya sa kalagayan ko nung nakita nya ako. Malamang ngayon magkasama sila ni Shanella at syempre masaya sila. Habang ako? Wala pinipilit maging masaya para sa kanila. Napa-buntong hininga nalang ako ng malakas as in yung maririnig ng tao.

Kailan kaya matatapos lahat ng nararanasan kong paghihirap dito sa mundo? Kailan kaya ako patatakasin ng mga masasakit na pangyayari? Bakit ba lagi nalang ako nasasaktan? Oo nga, nagiging masaya nga ako pero panandalian lang. Hindi ko maintindihan kung bakit napakalupit ng mundo sa akin. Minsan iniisip ko na magpakamatay nalang kasi hindi ko na talaga kaya yung nararamdaman kong sakit.

Umiling nalang ako at tumayo na sa pagkakahiga. Masakit pa ang katawan kaya medyo ang hirap na gumalaw. Lumabas ako at agad na bumungad sa akin yung P.A ni Zealous.

"Good morning Ms. Shan kung maganda po ang morning mo. Pinabilinan po ako ni Sir. Zealous na kapag nagising na daw po kayo at gusto nyo pumasok umakyat ka lang daw po sa kwarto mo sa taas at naka-ready na lahat ng gamit mo. Sinabi nya rin po na wag kang aalis ng hindi nakain at nainom ng gamot. Sinabi nay rin po na sabay tayong aalis at magpapahatid tayo sa driver. And last na sinabi nya po magiingat ka daw po!" Nakangiting sabi nya sakin. Tch... yung boss nya paasa nakakainis!

"Pwede bang samahan mo ako sa taas? Nakalimutan ko na kasi kung saan banda doon" hindi ko naman kasi tinandaan yung mga part ng bahay na to. Malay ko ba kung saan sya banda doon.

"Oo naman po just follow me" nakangiti paring sabi nito. I just wondered kung may relasyon din ba sila ni Zealous. Masyado kasi silang dikit.

Nakarating na kami sa taas. Ako yung pumasok sa loob samantalang sya naman sa labas lang ng pinto. Pinapapasok ko siya pero ordered daw yan sa kanya na wag papasok sa loob ng kwarto ko DAW at kahit sa kwarto ni Zealous bawal sya pumasok ng walang pahintulot ni Zealous. Naligo na ako at nagbihis pagakatapos sinama nya naman ako sa dining tapos sabay kaming kumain dahil utos daw ni Zealous na sabayan ako kumain para masiguradong kakain ako. Wala naman akong magawa bantay sarado na ako ng babaeng ito.

Pagkatapos noon sinabayan nya rin ako pagpasok sa kotse kasi baka tumakas daw ako. 'E bakit naman ako tatakas? Di ko nga alam kung saan papuntang school 'e. Buti kung bahay namin ito. Hanggang sa pagpasok kaming dalawa ng P.A nya ang magkatabi.

"Bakit ba ayaw mo humiwalay sakin? Di naman ako tatakas ah! Wala akong balak tumakas hindi ko naman alam pauwi 'e" sabi ko sa kanya.

"Eto po kasi ang utos sa akin ni Sir. Zealous ang siguraduhin hindi ka po tatakas at siguradong ligtas ka pagbaba sa school. Sumusunod lang po ako dahil ayoko pong maparusahan" nakangiting sabi nya. Napapansin ko lang palangiti tong babaeng to.

"Tch..." yan nalang nasabi ko.

Tahimik lang kami pati na yung driver habang sya may dinudotdot sa cellphone nya. Naiintriga ako pero ayoko namang magmukang chismosa kaya sa view nalang ako tumingin. Malapit na pala kami sa school ah. Ilang minuto pa at nakapasok na kami sa gate ng school, naiparada na yung kotse at bumaba na kami. Agad na bumungad sa akin yung principal.

"My god Shan are your okay na ba? Masaya rin ako dahil naibalik na ng pamangkin ko yung kotse ko!" Sabi nito.

"Ibabalik naman po talaga yan ni Sir. Zealous medyo natagalan lang dahil nga po inalagaan nya pa si Ms. Shan" sabi ng P.A ni Zealous.

THIS GIRL IS MY PROPERTY! [✓]Where stories live. Discover now