CHAPTER 13

3.1K 96 4
                                    

Xanxy pov

Nasa pool na kami ngayon at kasalukuyang ako ang pini-picturan. Ramdam ko ang mga malalagkit na tingin mula sa mga kalalakihang nanonood. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ba sila sumama dito. Para ba sa mga sinusuportahan nila o para makakita ng ibay-ibang hugis ng hita. Mga tao nga naman talaga, kahit na gaano kainosente tignan may tinatago paring kalibugan. Hindi naman sa bastos ang bunganga ko, nagsasabi lang naman ako ng totoo tungkol sa ugali ng isang tao.

Hindi ko namalayan na naka-sampung post na pala ako. Basta ang alam ko lang tinawag na si Ysa. Pumunta ako sa gawi nila Brit, andon din si Zealous na ang sama ng titig. Ewan ko ba kung sa akin o sa mga tao sa paligid ko?. Basta ang alam ko lang ang sama talaga ng titig nya.

"Wear this!" sabi nya at iniabot sa akin ang isang bathrob.

Kinuha ko naman ito at isinuot sa katawan ko. Nang maisuot ko ito nanood ako kay Ysa. Susunod na yata dyan si Sam.

"Tito ikaw muna bahala dito. Nagugutom na ako" sabi ni Brit tapos umalis na. Hindi manlang ba sya magyayaya gusto ko rin kauang kumain.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalayo na sya sa akin. Bakit ayaw nya ako yayain? Nagugutom din naman ako ah! gusto ko magtampo.

"Xanxy!" tawag sa akin ni Zealous kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit?" pormal na tanong ko.

"Bumalik kana sa hotel!" utos nito. Napakunot naman ang noo ko.

"Bakit naman?" hindi ko talaga maintindihan tong lalaki na ito.

"Basta, remember ngayon palang kaya nagsisimula ang punishment mo!"sabi nito. Anong punishment?.

"Anong punishment?" di ko naman yata naalala na may napagusapan kaming punishment.

"Wag kang malilimutin. Umakyat kana sa hotel tapos alalahanin mo. Gawin mo na ngayon din!" maawtoridad na utos nito.

Wala naman akong magawa kaya ayun sumunod nalang ako sa sinabi nya. Para wala naring ingay, nakarating ako sa hotel na iniisip parin ang sinabi nya punishment. Nang makapasok ako saka ko lang naalala na kelangan ko palang sundin lahat ng ipapagawa sya sa akin pati sasabihin nya.

Nagpalit ako ng suot ko yung maayos. Naka-maikling short ako tapos t-shirt. Eto lang naman ang pinadala sa akin ni Brit 'e. Matapos ko magpalit lumabas na ako ng cr at umupo sa kama.

"Sa susunod matuto kang magsarado!" sabi nito. Halos mapalundag naman ako sa gulat.

"Ano ba wag ka ngang manggugulat!" inis na sabi ko kay Zealous. Ang hilig manggulat.

"Ahh okey, nga pala kakatapos lang nila Sam. Nasa seafood restau. sila kumakain na" sabi nito.

"Hala! bakit hindi nila ako niyaya?" nagdadabog na tanong ko. Parang ang duga naman yata.

"Kasi sinabi ko dito ka kakain sa loob ng hotel!" sabo nito bago isarado ang pinto.

"Pero gusto kong kumain sa restau. gusto ko maligo sa dagat. Ang duga naman nun, gusto ko rin makaligo sa dagat. Sige na!" nagmamakaawa na sabi ko. Muka namang hindi epektib kasi inirapan nya ako.

"Shut up! sabi ko naman sayo ngayon ko palang sinisimulan ang paunishment mo. Hindi ka lalabas ng kwartong ito and thats final." sabi nya.

Napasimangot nalang ako at napayuko. Ano ba naman yan parang asawa ko naman sya kung makaasta. Hindi naman yata maganda to. Mas lalo pang humaba ang nguso ko dahil hindi nya ako kinakausap, nababagot na ako sa katahimikan na lumalamon sa amin. Gusto ko makasama sila Brit.

Bahagya akong napatingin sa bintana. Ang ganda ng sikat ng araw pero lahat naman tayo alam na epal ang ulan kaya mamaya uulan narin yan. Saka nakakainggit yung mga babaeng naliligo sa dagat, naglalaro oa sila. Bakit nga ba kasi ako nasabak sa ganitong buhay.

THIS GIRL IS MY PROPERTY! [✓]Where stories live. Discover now