CHAPTER 30

2.4K 70 4
                                    

Zealous pov

Were on our way papuntang resort. Kagabi lang ako nagpa-book doon and luckily naman dahil may natira pang slot para sa amin. Ang balak ko sana buong resort amin lang kaso naisip ko mukang mas nakaka-enjoy kung may kasama kang ibang tao.

Kasalukuyan akong nagda-drive ng van kung saan kami nakasakay, si tito ang tabi ko, si Shan na nasa likod ko, si Sam na katabi ni Shan at yung dalawa si Brit at Ysa magkatabi rin sa likod. Dapat talaga si Shan yung katabi ko kaso yung epal kong pamangkin umeksena. Wag daw kami magtabi dahil baka mamaya maglandian lang kami. Eto na nga ang resulta katabi ko si tito kong bakla.

"Malayo paba?" Tanong ni Sam. Kanina pa yan nagre-reklamo.

"Malapit na" walang buhay kong sagot.

"Kasi kanina pa nasusuka si Shan" sabi nya kaya medyo nilingon ko si Shan sa likod ko.

"Fuck! Bakit hindi mo sinabing mahiluhin ka pala sa van?" Inis na sabi ko. Ang putla na kasi nya.

"Di ka naman nagtanong 'e" tangina pinilosopo ako. Babaeng to talaga.

"Alam mo tito bilisan mo nalang para pagbaba mailabas na nya to" sabi ni Brit.

Wala na akong magawa kundi bilisan ko na yung van kahit alam kong mas lalo syang mahihilo sa ginagawa ko. Sorry nalang Shan! Nakarating na kami kaagad sa may tapat ng resort. Agad akong bumaba at binuksan ang pinto sa may tapat ni Shan. Pagka-bukas ko agad na tumakbo si Shan sa kabilang kalsada at doon nag-labas. Buti nalang talaga walang kotse na dumaan tangina papakamatay pa yata tong babaeng to. Papakasalan ko pa nga sya 'e. Tumawid din ako at sinundan sya.

Nang makarating ako sa kanya I just tap her back. Ang hirap kasi talaga lapag mahiluhin ka and syempre naman I admit na mahiluhin din ako pero sa jeep yun. Kaya hindi talaga ako nasakay sa jeep kahit na akong mangyari. Maya-maya umayos na sya ng tayo.

"Are you done? Okay kana?" Agad na tanong ko sa kanya.

"Ang sakit sa sikmura!" Reklamo ko.

"Tch... 'e kung sinabi mo ba naman kasi agad na hiluhin ka pala sa van 'e di sana yung kotse ko nalang ginamit natin." Pagsusungit ko sa kanya.

"Sorry na" sabi nya sabay pout. Hindi na ako natutuwa hahalikan ko talaga sya.

"Tigilan mo nga yan...." inis na sabi ko. Naa-attract kasi ko.

"Bakit nanaman? Galit ka nanaman?" Naka-pout na sabi nya. Peste.

"Kapag di mo tinigilan yan hahalikan na talaga kita!" Pagbabanta ko.

"Halik your face!" Mataray na sabi nya saka naglakad. Magpasalamat nalang talaga tong babaeng to at walang nadaan dahil kapag nasagasaan sya babatukan ko pa siya. Kung magawa ko!

Napa-iling nalang ako at muling naglakad patawid ng kalasada. Hindi na talaga nya ako hinintay kaya pumasok narin ako ng resort. Nandun na sila sa cottage kung saan sila tinuro ng tour guide. Actually 8 cottage yata tong pinareserve ko kasi hanggang mamayang gabi kami pero syempre uuwi parin naman kami. Hindi pumayag si Shan na over night 'e.

"Bakit ngayon ka lang Zealous?" Tanong ni tito. Tinignan ko naman si Shan na naka-upo sa dulo.

"Sinamahan ko pa kasi tito yung isa dyan na magbawas kaso iniwan ako" sabi ko habang nakaharap kay Shan at nataas pa ang kilay.

"Sorry na agad" walang hiya kanina pa sya nagso-sorry. In-erapan ko lang sya.

"Luh nagalit na sya. Lagot ka Shan, ikaw kasi 'e. Hinihintay ka na nga iniwan mo pa" pangga-gatong ni Ysa.

"E kasi naman... kakainis kayo wag nyo na ako takutin" gusto kong ngumiti pero paninindigan ko muna tong tampo effect ko. Syempre tanging mga hokage lang ang nakakaalam kung anong kayang gawin ng tampo effect.

THIS GIRL IS MY PROPERTY! [✓]Where stories live. Discover now