CHAPTER 15

2.8K 83 13
                                    


Xanxy pov

Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto, pure red. Hindi ko naman maalala na umuwi ako kaya nasaan ako? Ang alam ko lang napagod ako kagabi at owwkeyy ito parin hanggang ngayon ang suot ko. Nilibot ko pa yung paningin ko at nakita ko sa isang study table yung mga sash at koronang nakuha ko pati na yung mga bulaklak. Napangiti naman ako kasi hindi ko naman inaasahan na mananalo pa ako sa ganong contest.

Napatigil ako sa pagiisip ng may biglang pumihit ng door knob pabukas. Pagka-bukas ng pinto si..si...si Zealous? Nasa bahay nya ba ako? Tumingin sya sa akin ng walang emosyon tapos umiwas ulit tapos dumeretso papuntang study table at kinuha ang cellphone nya.

"P-pano ako n-napunta dito?" naiilang na tanong ko. Tumingin naman sya sa kin ng wala nanamang emosyon tapos binalik ang tingin nya sa cellphone na dinudutdot nya.

"Wag ka na magtanong, pasalamat ka nalang nakatulog ka ng maayos" sabi nito sa walang emosyon na paraan. Medyo nanibago naman ako sa kanya he's never be like that before.

"Ang cold ha!" totoo naman ah ang cold nya kaya sa akin.

"Tch" puta seryoso ano nanaman bang pinuputok ng butse nito.

"Ano nanamang pumasok sa utak mo at nagkakaganyan ka nanaman?" mataray na tanong ko dahilan para lingunin nya ako gamit ang blangko nyang tingin.

"Wala ka ng paki, at wala kang karapatan para malaman yun!" mataray na sabi nya. Hindi ba parang ang sakit na yung taong crush mo mismo ang nagsabi sayo nyan.

Kung sabagay bakit nga ba ako masasaktan 'e crush ko lang naman sya. Sabi nga sa phsycology facts kapag four months mo ng gusto ang isang tao it was considered as love. So ibig sabihin mahal ko si Calvin crush ko lang sya.

"E di wala!" mataray na sabi ko bago bumangon. "Makauwi na nga!" inis na sabi ko.

Sa sobrang katangahan ko dahil nakalimutan ko na na naka-heels pa ako bigla akong lumakad ng padabog. Sa sobrang pagdadabog ko natanggal yung isang heels na naging resulta ng pagbagsak ko sa sahig. Masakit kaya parang pumilipit yung paa ko.

"Ang katangahan minsan nilalagay sa lugar!" sabi nya bago tuluyang lumabas ng pinto.

Wala manlang ba syang balak tulungan ako? Nakakayamot na lalaki yun ah bakit ba ang hirap nya talaga intindihin parang tanga sya.Hirap akong tumayo dahil nga sa sakit ng paa ko, habang sapilitan akong tumatayo nagagalaw ang paa ko kaya ayun napapaaray ako.

"Ouch naman kasiiiii...." maiiyak na ako kakainis. "Wala manlang ba sya balak na tulungan ako? Nakakainis! Kung kailan kailangan saka naman may topak tss!" inis na sabi ko habang pinipilit parin tumayo.

Hindi kaya marangal to! Maya-maya pa nakakita ako ng kamay na nakalahad sa harapan ko. Nang tingalain ko si Zealous na baliw, wala paring emosyon. Wala nang arte 'to kaya kinuha ko na tapos tumayo. Tandaan: wag maginarte kung mas maarte pa sayo ang kaharap mo!.

Nakatayo na ako ng tuluyan tapos pinaupo nya ako sa kama.

"Bakit ba ang aga-aga may topak ka?" nagtatakang tanong at alam ko sa sarili ko na maayos ang tanong ko.

"As I told a while ago, wala kang pake at wala kang karapatang malaman" walang emosyong sabi nya.

"Bakit di mo ba ako kaibigan?" nagda-drama lang naman ako malay mo kumagat hahah.

"Hindi" deretsong sagot nya.

Hindi na ulit ako nagsalita kasi kanina pa ako napapahiya sa inyo 'e. Ano masaya na kayo? Kanina pa kayo natawa no? Mga baklang twooo! Wag nyo muna ako tawanan kasi nababaliw nanaman si Zealous, hindi ko nanaman maintindihan yung mood nya ngayon.

"Pupunta dito si Calvin para sunduin ka" biglang salita nya dahilan para mamula nanaman ako.

"T-talaga?" di makaniwalang tanong ko. E bakit hindi sya ang maghahatid sa akin. Kagabi nga hindi nya ako ginood luck.

"Wala ako sa mood para magbiro" putek napahiya nanaman ako.

"E bakit kahapon di mo ko ginood luck?" nagtatampo kunwaring sabi ko dahilan para mapatitig sya sa akin.

"Kailangan mo pa ba ako kahapon? I thought kaya mo na kasi ginood luck kana ni Calvin." teka nga lang nagseselos ba sya?.

Ang assuming ko nanaman ah!.

"Pwede namang friendly good luck lang ah!" yan nalang nasabi ko

"Im not your friend Im your suitor sana alam mo yan! Be aware naman sa nasa paligid mo Xanxy hindi porket gusto mo si Calvin at halos magkandarapa kana sa kanya ibig sabihin non okey lang na magpaakap, pagpahawak ng kamay o kahit na ano pa sa kanya. Nakakasakit din naman kasi paminsan-minsan yang pagiging malapit mo sa kanya" confirm nagseselos nga.

"Be prepare nga pala next day may swimming tayo, para sana sa atin lang nila Sam yun kaso naisip ko na gusto mong makasama yang si CALVIN MO kaya isinama ko na sila" teka nga lang ayiee Calvin ko dawww. Hahahaha sana nga akin sya.

"Sana nga akin sya hihihi!' kinikilig ako makakasama ko siya.

Napa-irap naman sya sa sinabi ko. Bakit ba wala namang masama dun ah? Nangangarap nga ako na sana akin yung lalaki na crush kooooww. Maya-maya nakarinig kami ng busina mula sa labas. Napatingin naman si Zealous sa bintana bago lumingon sa akin.

"Andyan na sundo mo" walang emosyon na sabi nya bago iayos lahat ng gamit ko na nasa table nya.

"Hindi mo ko ihahatid sa baba marami kaya yang dala ko" hindi naman sa nagmamakaawa ako pero parang ganun na nga.

"Dont worry pupunta sya dito sa taas" walang paring emosyon.

Nakakainis na yang walang emosyon na muka nya. Ginigigil nya ako. Maya-maya may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ni Zealous.

"He's here" sabi nya bago buksan ang pinto.

"Hey! Tara na Xanxy?" pag-aaya ni Calvin.

Tumayo naman ako bilang tugon. Kinuha nya lahat ng gamit ko at di na kami nagpaalam sa kanya.

Zealous pov

Nakakahiya naman yata sa kanila umalis ng wala paalam. Wow ha! Hindi talaga ako makapaniwalang mas gusto nya yung lalaking yun kesa sa akin 'e di hamak naman na mas gwapo ako.

Napa-iling nalang ako sa mga naiisip ko. Bahagya ko silang sinilip sa may bintana hanggang sa makaalis sila. Masakit, masakit talaga!

"Sir may emergency meeting daw po kayo ngayon about sa pagre-renovate ng school" wala ba tong kamay tch.

"Next time kumatok ka. Uso na ngayon ang kumatok. Ayaw ko pumunta sa meeting na yan bahala sila, sabihin mo may sakit ako" inis na sabi ko. At may sakit naman talaga ako, sakit sa puso.

Ang drama ko tchh.

"Pero Sir kailangan mo pong dumalo dahil malilintikan ka daw po Tito mo"

"Eh di malinitikan!" atapang atao yata ako.

"Pero sir baka pati kami masesante" oo nga pala.

"Sige na dadalo na, masaya kana? happy?" inis na sabi ko.

Tumango naming sya tapes umalis na. Kanina pa talaga ako naiinis ha. Buset, una yung dalawa. Hindi parin talaga ako maka-get over sa dalawang yun.

Okey lang di naman masakit. Sino bang nasasaktan? Syempre hindi ako yun.Eto lang naman masasabi ko para hindi ako masaktan 'e. Masakit syempre, pero titiisin.
















😭😭😭😭😭😭😭😭😭

Ako talaga yung nalulungkot 'e. Di na ako maka-ud.

Sorry sa panget na ud. Mahirap pala pagsabayin ang pagaaral tapos pagwa-wattpad. Mashakit sa ulo.

THIS GIRL IS MY PROPERTY! [✓]Where stories live. Discover now