CHAPTER 20

2.7K 88 0
                                    

Xanxy pov

Kagabi nagbalak kami na magkaroon ng bonfire. At eto na nga ngayon inaayos na namin, ako ang naka-asign sa mga inihaw na hotdog tapos yung nagiisa na lalaki naman sa bonfire. Yung kapatid ko ayun nagmumok-mok sa loob ng kwarto. Umuwi din kasi si Calvin kagabi ng hindi namin alam. Kahit ako walang alam paano sya naka-uwi.

Nakatingin lang ako kay Zealous na inaayos yung bonfire. Ang swerte ng babaeng magiging jowa nito. Maalaga kahit seloso, masipag kahit na minsan talaga ang hirap nya kausap. Sa sobrang titig ko di ko namalayan na nakalapit na sya sakin.

"Alam kong gwapo ako Shan, wag mo na akong titigan ng ganyan. Baka mamaya matunaw ako" natatawang sabi nya. Napaiwas naman ako ng tingin sa knya. Nararamdaman ko guys namumula nanaman ba ako?

"Di ka naman nagba-blush diba?" Nangaasar ba sya? Dahil kung oo effective naman kahit papaano.

"Asa!" Sabi ko with matching erap.

"Sus deny pa!" Umiiling na tawa nya. Ngayon ko lang napansin na nadagdagan na pala yung hikaw nya.

"Kelan pa nadagdagan yang hikaw mo?" Usosyo ko. Para maiba lang ba yung usapan namin.

"Iniiba nya yung usapan 'e" langya talaga tong lalaki na ito sapakin ko to 'e.

"Seryoso?" Naiinis na ako sa kanya. Nahahalata nya ako, sya na matalino. Feeling ko nabuhay sa harap ko si Sam kahit nasa rest house sya ngayon.

"Okey okey magagalit ka nanaman. Nung nakaraan ko lang to dinagdagan. Wala akong magawa 'e" baliw ba talaga tong lalaki na ito. Wala lang magawa kaya sya naglagay ng isa pang hikaw? Wow!

"Tanggalin mo nga yang mga hikaw mo!" Inis na sabi ko sa kanya.

"Bakit ko gagawin yun?" Sabi nya sabay taas ng kabilang kilay nya. Bakit ko nga sinabi yun? Mag-isip ka ng dahilan mo ngayon kala mo ha! Antapang ko kasi...

"Basta tanggalin mo hindi bagay sayo!" Inis na sabi ko. Wala kasi akong ibang dahilan kung bakit ko siya pinapatanggal. Bagay naman kasi talaga sa kanya 'e, actually gwapo nga sya sa hikaw nya 'e.

"Okay mabilis naman ako kausap 'e, di ba ako pwede mag-tira ng kahit isang hikaw lang? Sayang 'e" ang kulit nya. Nanggigigil ako.

"Hindi!" Inis na sabi ko sa kanya. Ang kulit kasi 'e.

"Okay hindi na. Bakit ba galit ka kasi? Gumaganti ka lang sa ginawa ko kahapon 'e. Kaya galit ka kasi pinagalitan kita kahapon" naiiling na sab nya habang tinatanggal nya yung hikaw nya.

"Tch....."yan nalang nasabi ko. Kasi wala namang tumama sa sinabi nyang dahilan. Wala talaga akong dahilan kung bakit ko nga ba pinapatanggal yung hikaw nya.

"Uyy ano tapos na bayan? Mamaya na landian malapit na mag-simula yung oras natin oh!" Letse na babaeng to? Lumalandi ba kami? Kahit kailan talaga epal tong si Ysa nato!

Inis ko siyang tinignan pero nag-peace sign lang sya sakin at ngumiti bago umalis. Kaibigan ko nga talaga sya, nakakainis muka bang landi tong ginagawa ko? Nakikipag-usap lang ako 'e.

"Oh bakit ansama na ng muka mo?" Tanong ng bagong dating na si Brit.

"Pano sinaway sya ni Ysa. Mali nga lang ang pagkakasaway, sabi tama na ang landian. Pero kung ako tatanungin okay lang naman atleast ako lang nilalandi!" Nakangiting sabi ng baliw na si Zealous. Napailing naman si Brit habang nakangiti lang ng nakakaloka.

"Muka ba akong nalandi? Nakikipag-usap lang ako sa kanya no?" E bakit ba ang deffensive ko?

"Hahaha okay wag ka ngang deffensive. Kung sa akin lang pabor yung sinabi nya, well atleast ako yung nilalandi mo hindi ibang tao" nakakapikon na talaga tong lalaki na ito ah. Hindi sya nakakatuwa ha!

THIS GIRL IS MY PROPERTY! [✓]Where stories live. Discover now