CHAPTER 4

4.7K 181 3
                                    

Samantha Pov

Lumipas ang araw ng napaka-bilis, hindi ko namalayan na pasukan nanaman at magsisimula ulit ang buhay naming tatlo. Hindi naman ako totally na nerd, ako kasi 'yong babaeng pag-gusto ko i-try gagawin ko. Hindi rin ako tunay na anak ni mama, ampon lang ako. Nakatingin ako sa salamin kung saan nakikita ko ang sarili ko ng buo. Matangkad ako, maputi, wala nga lang alam sa fashion kagaya lang ni Xanxy, makapal ang kilay dahil hindi naman ako nag-aahit. My makapal ako na salamin, wala naman itong grado.

Hindi ko rin inilulugay ang buhok ko na aabot sa puwitan ko. Nagme-medyas din ako ng hanggang tuhod, at palda na halos isang dangkal ang haba mula sa tuhod. Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili ko bago kunin ang mga gamit ko na binili ng mahal kong kaibigan. Malaki na talaga ang naitulong sa akin ni Shan at Ysa. Hindi ko na nga alam kung paano ko sila pasasalamatan.

Lumabas na ako ng pinto, sakto naman dahil kakarating lang ng kotse ni Shan. Pumasok ako sa loob, sa backseat para katabi ko ang buang na si Ysa.

"Morning!" Nakangiting bati sa akin ni Shan. Grabe pangiti-ngiti lang pero may mga problema 'yan sa buhay.

"Morning too!" Nakangiting ding bati ko sa kan'ya.

"Magsisimula nanaman ang buhay studyanteng nerd natin," sabi ni Ysa.

"Oo nga, guys kaya i-handa ang mga utak, ihanda ang mga sarili sa mga parusa nating makukuha. Alam niyo naman kahit first day ng pasukan wala silang patawad sa pambu-bully," sabi ko. Totoo naman kasi kailan ba nagkaroon ng patawad ang mga yun?

"Hahaha tama ka diyan Sam!" Natatawang sabi ni Shan.

Naalala ko nanaman ang first day namin dito, pagkapasok ng gate nakatanggap kami ng itlog na hilaw at mga water ballon. Nakakatawa nga isipin na marami na pala kaming nalampasan sa loob ng paaralan na ito. Napangiti nanaman ako dahil kahit kailan hindi kami nagkaiwanan. Minsan kasi sinubok na rin ang friendship namin, inalok kami ni Britny, ang campus queen isa-isa kung gusto namin mapabilang sa grupo nila. Una niyang inalok si Shan pero tumanggi ito, sunod si Ysa tumanggi rin, ang huli ako. Muntik na akong pumayag kaso naisip ko na mas mahalaga sa akin ang pagka-kaibigan namin kaysa sa pagiging sikat.

-------

Nakarating na kami sa parking lot ng mabilis. Naii-park namin ng maayos ang kotse niya. Minsan kasi binu-bundol pa ang dulo ng kotse ni Shan, bumaba na kami at isamg sabay-sabay na buntong hininga ang pinakawalan namin. Let's the journey begin.

Xanxy pov

Kasalukuyan kaming naglalakad sa loob ng school ground. Karamihan busy sa pakikipagdaldalan, 'yong iba naman nagya-yakapan na akala mo apat na taong hindi nagkita. Kaming tatlo naman naghihintay lang na mag-simula ang opening ceremony.

"Kinakabahan ako sa first day natin mga ateng ah!" Sabi ni Ysa.

"Me too, kinakabahan ako kung anong level up ang mangyayaring pambu-bully sa atin!" Ganyan na talaga kami ka-advance mag-isip ngayon.

"Hahaha wala, eh masanay na tayo!" Natatawang sabi ko.

"Ano pa nga ba girl?!" Maarteng sabi ni Ysa.

"Di bagay sayo kaibigan!" Pang-aasar naman ni Sam. Huhulaan ko mga mahal na mambabasa away na sunod niyan.

"Bakit naman? Sayo ba bagay?" Mataray na tanong ni Ysa.

"May sinabi ako?" Mataray din na tanong ni Sam.

"Meron kakasabi mo nga lang!" Sabi ni Ysa sabay taas ng kilay niya.

"Owwwsss??" Ang lakas talaga ng saltik ng mga ito.

"Oh my god, andito pa pala ang tatlong dakilang salot!" Mataray na sabi ni Diana at namewang pa. Hindi ko pa pala nasabi na kahit si Diana na kapatid ko isa sa nambu-bully sa akin.

THIS GIRL IS MY PROPERTY! [✓]Where stories live. Discover now