CHAPTER 18

2.6K 94 4
                                    

Xanxy pov

Nagising ako sa lugar na hindi pamilyar sa akin. Tinignan ko ang bintanang may nakatabon na kurtina. Pero kahit na nakatabon ang kurtina nakakasilaw parin ang kaunting araw na nakasilay dito. Bahagya akong napatingin sa paligid ko, talagang hindi pamilyar sakin to. Nasan ba ako?

"Good to see na gising kana!" nakangiting bungad sakin ni Brit.

"Teka nasan ako?" tanong ko. Wag nilang sasabihin na andito ako sa kwarto nya.

"Nasa kwarto ka ni Ysa, nakita ka namin kagabi sa bar. Ano ba talagang nangyari concern lang naman kmi sayo" sabi nito.

Concern? After all? Tinaboy ko sila tapos concern pa sila sa akin? Di ko alam ang sasabihin ko at dapat kong sabihin sa kanya after all na narinig ko yun.

"Oh gising na pala si Shan, kamusta kana?" Bungad sa amin ni Ysa.

"A-ayos lang" naiilang na sabi ko.

"Buti naman, nag-aalala na ako sayo Shan kagabi, grabe ka" naiiling na sabi nito.

"Oh kamusta na Shan? I thought di ka magigising ngayon sa sobrang dami ng nainom mo ng alak. Tinawagan narin namin si Zealous at ngayon nga 'e pauwi na sya. Bakit kaba kasi nagpakalasing? Nakakagulat ka Shan. Nag-aalala n kami sayo ha" mahabang sermon nya.

Hindi ko alam bakit bigla nalang akong naiyak sa di malamang dahilan. Basta ang alam ko lang tumulo ang luha ko.

"Shan bakit ka naiyak?" Tanong ni Sam.

"Ewan ko" naiiyak na sabi ko at tinakpan ang muka ko gamit ang dalawang kamay ko.

"Hayyy...." yan lang ang narinig ko kay Sam bago lumapit sakin at yakapin ako "wag kana malungkot about sa nangyari. Nandito lang kami para sayo, kahit na tinaboy mo kami still nandito parin kami. Kaibigan mo kami remember and it would never change" sabi nya at isinandal nya pa ang ulo ko sa balikat nya.

Mas lalo akong napahagulhol ng iyak ko. Bakit ganon? Akala ko kinalimutan na nila ako, akala ko nagbago na sila, akala ko di na nila ako kaibigan. Hindi pala, ako pala ang nagbago. Ang bad ko, naging masama akong tao dahil lang sa kagustuhan kung sumikat.

"Im sorry, Im so sorry!" Naiyak na sabi ko.

"You dont have to say sorry Shan. Naiintindihan ka namin at alam naming nabulag ka lang saakasikatang dala sayo ng kagandahan mo ngayon. Nung una nagalit kami sayo pero bandang huli naintindihan narin kita. Alam kong di mo kasalanan kung bakit ka nagkaganon, binago ka lang ng utak mo" sabi ni Ysa.

"Tama na nga tong drama na to kumain na tayo Shan, aalis tayo mamayang hapon papuntang beach" sabi ni Sam bago humiwalay sa pagkaka-akap sakin.

Bumaba na kami sa dining habang
Yung tatlo nagkukwentuhan about sa kung anong topic na hindi ako maka-ralate. Hindi rin naman nagtagal nakarating kami sa dining, nakakapanibago lang na ngayon nalng ulit kmi nagsama-sama. Hindi na ulit kami nagpansinan nung maga nakaraang araw. Kasalanan ko naman.

"Shan, hindi mauubos yan kung tititigan mo lang" saway sakin ni Brit.

"Sorry" sabi ko nalang at napayuko.

"Mamaya kana mag-sorry pwede at wag sa amin pwede? Mas malaki ang kasalanan mo sa kanya kaya sa kanya ka mag-sorry" sabi ni Ysa. Bahagya namang napakunot ang noo ko sa sinabi ni Ysa.

"Mamaya mo na alamin kung sino yun. Malamang sa dami ng taong nasaktan mo hindi mo talaga malalaman kung kanino ka talaga dapat mag-sorry ng bongga" naiiling na sabi ni Sam.

"Tama na nga mamaya umiyak nanaman yang babaeng yan" saway sa kanila ni Ysa.

Kumain na kaming tahimik at wala ng nag-tangkang magsalita pa. Thankful parin ako dahil may mga taong nasa tabi ko palagi kahit na napaka-hirap ko ng intindihin.

THIS GIRL IS MY PROPERTY! [✓]Where stories live. Discover now