CHAPTER 5

4.3K 169 24
                                    

Zealous pov

Kanina pa ako dito sa canteen naghihintay sa kanila. Halos lahat nakatingin sakin, sige lang pagpantasyahan niyo lang ako may nagmamay-ari na sa akin. Ang tagal naman yata ng tatlo na 'yon, ah.

"Ayon siya, oh!" Rinig kong boses kaya nilingon ko. Nakaturo pa talaga sa akin ang kamay no'ng Sam yata.

"Sorry po late kami," paumanhin niya. Ay, okay lang ito naman, malakas ka yata sa'kin haha.

"Upo na!" Walang emosyon na sabi ko para hindi halatang ano.

Umupo naman silang tatlo. "Bakit po ba dito tayo mag-uusap, eh marami namang lugar?" Kung 'di lang siguro 'to kaibigan ni Xanxy kakaltukan ko 'tong Allysa na ito.

"Alam mo, te wala ka ng pake! Mas gusto ni Sir.Alli dito, eh anong magagawa mo?" Pambabara naman no'ng Samantha.

"Ay tumahimik na nga kayo. Ang iingay niyo!" Saway ni Xanxy. Tama 'yan pagalitan mo nga 'yang dalawang, sobrang ingay.

"Lets start this meeting. Actually hindi naman talaga meeting 'to, gagawa lang tayo ng plano kung paano niyo ma-aayos ang schedule niyo," sabi ko. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo nilang tatlo.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Ysa. Short for Allysa niya.

"Eh, kasi next week mag-i-start na ang training niyong apat. Magkakaroon din kayo ng picture taking sa ibang lugar bago mag-simula ang pageant," paliwanag ko.

"Seryoso? Mapa-pabayaan ko ang pagaaral ko?" Ang cute niya. Si Xanxy lang naman ang nagsabi no'n. Nag-pout pa siya na mas lalong nagpalabas ng ka-cutan niya.

"Kaya nga natin aayusin ang schedule niyo para hindi niyo mapabayaan ang pagaaral niyo. Alam ko namang mas concern ka sa pagaaral mo." Sabi ko sa kan'ya. Naalala ko nanaman no'ng kinindatan ko siya. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang ngiti ko.

"So, kami hindi concern sa pagaaral namin?" Tanong ni Sam na parang sarcastic.

"I dont know. Malay ko ba, eh siya lang naman ang nag-react tungkol sa pagaaral," sabi ko.

"Sabi ko nga!" Napailing nalang si Xanxy sa pagiging madaldal ng kaibigan niya.

"So Ms.Buendia, baka naman may suggestion ka d'yan?" Da moves para makausap siya.

"A-ako?" Ay, hindi ikaw lang. Baka may iba pa talagang Beundia dito, hindi lang namin nakikita.

"Ay, hindi girl ako yata 'yon!" Pambabara nanaman ni Sam.

"Tumahimik ka nga! Hindi kasi ako makakapag-suggest kasi 'di ko naman alam ang mga sched," sabi niya.

"Oo nga pala, bukas kasi balak ko kayong e-excuse, magme-make-over kayo. Tapos next day naman mamimili kayo ng mga gagamitin niyo, next day ulit mag-hapon kayo na magpapaturo sa pamangkin ko," sabi ko sa kanila.

"Hm? Bukas p'wede namang gabi, sa next day p'wede ring gabi tapos next day ulit no choice a-absent kami," sabi niya. Magaling talaga siya sa time management.

"Sure ka na ba d'yan, Shan? Baka naman mapagalitan ka nanaman ng mommy mo kapag ginabi ka," nag-aalalang tanong ni Sam.

"Siguro ihahatid ko nalang siya," suggest ko. Paraan lang 'yon para mag-kasama kaming dalawa 'no.

"Ah, h'wag na kaya ko naman umuwi mag-isa may kotse naman ako, eh. Saka ako na bahala magpaliwanag sa kanila," sabi niya. Ano ba naman yan? Failed agad!

"Sure ka, ha?" nag-aalalang tanong ulit ni Sam.

Tumango naman siya. "So, 'yon na ang plano natin?" Tanong ko.

THIS GIRL IS MY PROPERTY! [✓]Where stories live. Discover now