CHAPTER 17

2.4K 89 31
                                    

Xanxy pov

Kanina pa ako dito sa room namin. Nakaka-inis dahil nabalik parin sa akinyung pinagsasabi nang lalaking yun. Akala nya ba maniniwala ako sa kanya? Tchh never na akong maniniwala sa kanya. Sisiraan nya pa si Calvin ko.

Tahimik lang sa room dahil ako palang naman at si Ysa ang naandito. Hindi nga nya ako kinakausap 'e. Nilipat kasi muna sila ni Sam dto sa amin. Hindi ko rin alam kung bakit ha? Basta nagulat nalang ako nandito na sila. So yun na nga kapag kinakausap nya naman ako ang cold nya. Nakakainis na nga gusto ko syang tanungin kung bakit. Kaso naisip ko lang baka may problema syang mabigat kaya ganun.

Habang nakadukdok ako sa desk ko naramdaman kong may biglang tumabi sa akin. Sumadal pa yung ulo nya sa likod ko at di na syempre ako magkakamali dito si Calvin ko to.

"Pagod kaba?" Tanong nya sa akin. Umangat naman ako at umupo ng maayos.

"Hindi naman, ang bored lang kasi" sagot ko sa kanya.

"Maaga pa naman, tara muna sa labas" yaya nya tapos tumayo at inilahad ang kamay nya sa akin.

"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko. Medyo maaga pa nga mga 5 pala to eh ang pasok namin mamaya pa. Pumasok lang naman ako ng maaga dahil nga may gagawin pa ako. Kaso ayun natapos ko ng maaga.

"Basta" ay may pa-secret. Tinanggap ko naman yung alok nya.

Di sa pagmamayabang ha holding hands kaming lumabas room at naglalakad dito sa corridor. Ang sarap lang talaga sa pakiramdam na nanliligaw na sa akin ang crush ko. Maiinggit kayo. Kayo umaasa lang sa crush nyo.

Nakarating kami sa labas ng gate ng mabilis, dumeretso kami sa isang tindahan. Ano nanaman kayang balak nity ong bilin? Nagtataka ako kahapon date daw kami tapos nag-fush ball lang kami. Naiwan daw kasi nya yung pera nya.

"Ano namang bibilin natin dito?" Tanong ko.

"Eto oh. Masarap yan" sabi nya sabay turo sa hotcake. Muka ngang masarap kase nilalagyan ng margarine at asukal sa ibabaw.

"Dalawa nga po nito" sabi nya. Ako naman nanonood lang kay manong na nakatingin sa ginagawa nya.

"Iha parang kilala kita" sabi ni manong habang inaabot nya kay Calvin yung hotcake.

"Huh?" Yan lang naisagot ko.

"Parang ikaw kasi yung kasama lagi nung dalawang babae na nabili sakin dito ng ganito dati." Ahh hindi po ngayon lang po ako bumili dito sa inyo.

Nakabili naba ako dito? Ayy oo nga pala nung kasama ko si Ysa at Sam.

"Sana all mabilis makalimot" biglang sabat ni Ysa.

"Bakit ba ang cold mo sakin Ysa?" Nagtatampong sabi ko.

"Tchh itanong mo sa sarili mo yan Shan. Wag mo na akong tanungin" cold na sabi nya.

"Tara na Shan" yaya sa akin ni Calvin.

Naglakad nakami palayo kay Ysa. Bakit ko naman itatanong sa sarili ko? Ano namang alam ko dun? Eh sila nga tong biglang nagbabago. Kala ko nga wala na kaming iwanan. Nakilala lang nila si Britny naging cold na sila sa akin. Bakit ba sila ganon? Akala ko kaibigan nila ako?.

Naglalakad na kami pabalik ng room ng may biglang humarang sa akin na babae. Mukang hinihingal pa sya.

"Ate shan si Diana po nasa clinic kailangan ka daw pong makausap ng nurse ngayon na" sabi nito.

"Hmmm ano yung humihingi na sya ng tulong sa akin matapos lahat ng ginawa nyang pambabastos sa akin? No way" anong akala nya sakin tutulungan ko sya? Asa naman sya.

THIS GIRL IS MY PROPERTY! [✓]Where stories live. Discover now