CHAPTER 23

2.6K 83 7
                                    

Zealous pov

Dito natulog si Shan, sa kwarto nya. Hindi ko na sya kagabi pinauwi. Gabi na kasi yun mga 9 na sila natapos sa paguusap ng topic ng essay nila. Maaga pa ngayon kaya di ko pa sya ginigising. Alas tres palang ng umaga may inaasikaso lang ako kaya ako gumising ng maaga. Nasa study table ko ako ng may kumatok sa pinto.

"Come in" walang buhay na sabi ko. Pili lang naman yan 'e kung hindi yung P.A ko 'e di tauhan ng tito ko. Madadag-dagan nanaman yata ao ng trabaho ah.

"Good morning sir nakatanggap po ako ng tawag galing sa tito nyo. May susunduin po kayo mamayang 8 am sa airport sya po ang makakasama nyo para sa bagong project sa school. Si Ms.Castro" sabi ng P.A ko. Kumunot naman ang noo ko, bakit babae? Ayaw ko ng babaeng kapartner buti kung si Shan yun 'e hindi naman. Mamaya ma-miss interpret pa ni Shan yung pagiging partner namin.

"Bakit babae?"inis na tanong ko.

"Hindi ko po alam Sir. Pero maganda naman po si Ms.Castro. Sa pagkaka-alam ko dati po syang model at kino-cover po siya sa isang magazine" nakangiting sabi ng P.A ko

"Tch... wala akong paki sa ganda nya. Mas maganda si Shan" inis na sabi ko. Wala ng mas gaganda pa kay Shan.

"Sa pagkakaalam ko rin po dito muna tutuloy sa bahay nyo si Ms.Castro" wtf?

"Tangina ako ba 'e talagang pinagti-tripan ng tito? Bullshit bakit dito pa sa bahay ko?" Inis na tanong ko.

"Hindi ko po alam pero yun po yung desisyon ng tito nyo 'e. Igalang nalang po natin" igalang? Kingina.

"Lumabas ka muna" walang emosyon na sabi ko.

Lumabas naman sya, sinabunutan ko nalang ang sarili ko. Pano ko sasabihin kay Shan yun? Kung seloso ako selosa rin sya. Magkakagulo ang buong planeta nito 'e. Pero syempre kay Shan lang naman talaga ako, natatakot lang ako kapag nagseselos si Shan. Di nya ako pinapansin.

Lumipas ang oras ng hindi ko namamalayan, nabuyo siguro ako sa pagiisip ng kung ano-ano. 4:45 na ng umaga. Umakayat ako sa second floor para puntahan si Shan. Ako na gigising sa kanya, feeling asawa lang hehehe.

Pumasok ako sa kwarto nya, bumungad sakin ang babaeng nakadukdok sa lamesa nya. Gumising siguro to kaninang umaga tapos nag-aral kaya eto ang itsura nya ngayon. Lumapit ako sa kanya ng bahagya para tignan sya. Ang ganda nya talaga kahit na anong ayos nya, hindi lang naman nasa labas ang ganda nya pati sa loob ang ganda nya.

Inuyog ko ang balikat nya para magising nya pero mukang walang epekto sa kanya. Medyo nilakasan ko pa kaya bahagya syang napagalaw.

"Shan gising na 5 na" sabi ko kaya umangat ng bahagya ang ulo nya. Di ko naman sinasabing tumulo laway nya pero parang ganon na nga. Bahagya akong napatawa dahil sa itsura nya.

"Shan di ko sinasabing tumulo laway mo ha pero parang ganon na nga" natatawang sabi ko.

Sumama naman ang tingin nya sakin. Okay masama to magagalit sya sabi nga kasi "biruin mo na ang lasing, wag lang ang bagong gising". Nag-peace sign nalang ako saka pinunasan ang laway nya. Kung iniisip nyo na nandidiri ako, NO!

"Tama na nga yng tulog mo mamaya ma-late ka bahala ka ikaw rin" sabi ko matapos ko punasan yung laway nya. Umayos naman sya ng upo saka kumamot ng ulo. Pero feeling ko hindi talaga sya kumamot ng ulo 'e, ginulo nya ang buhok nya.

"Anong oras na ulit?" Tanong nya na pupungas-pungas pa.

"5:05 na" sagot ko sa tanong nya. Syemprr sigurado yung oras ko dahil galing yung sa relo ko.

"Ahhh...." yan lang sinagot nya sakin at kinuha nya yung kamay ko na pinunas ko sa laway nya saka inamoy. "Ambaho pala ng laway ko" parang sabog na sabi nya.

THIS GIRL IS MY PROPERTY! [✓]Where stories live. Discover now