CHAPTER 22

2.6K 90 6
                                    

Xanxy pov

Umuwi kami ng maaga kagabi dahil nga may pasok ngayon. Eto na ako back to being nerd, kasama si Ysa at Sam. Naka-nerd attire na kami ngayon. Si Brit din medyo gumaya sa amin pero syempre kung kami baduy na baduy sya naman hindi. Basta nagsalamin sya tapos nagbitbit ng libro.

Naglalakad kami ngayon sa hallway, halos lahat nakatingin sa amin ng may halong pagtataka. Bahagya naman akong napa-iling dahil alam ko na hindi nila maiintindihan kung bakit ko ulit binalik yung sarili ko. Napa-sulyap ako sa kanang bahagi ko at nakota ko yung tingin ni Calvin na nagtataka. Ngumiti lang ako tapos nagpatuloy na sa paglalakad.

"Sabi sayo mahal ka lang nila kasi maganda ka. Pero kapag di kana maganda, di kana nila papansinin. Iba talaga ang takbo ng utak ng mga tao mga walang kwenta tch..." sabi ni Ysa. Atleast ngayon bumalik na sya sa dating sya. Di na sya cold.

"Masanay kana, sa mundong ito lahat ng bagay display nalang. Ibig sabihin wala ng totoo" sagot naman sa kanya ni Sam. Tama nga sya, halos lahat ng bagay sa mundo wala ng katotohanan. Lahat dito laruan nalang, palamuti.

"Teka nasabi yata ni Cake yan sa MY BADBOY LOVE ah! Nabasa ko yun" pagsabat ni Brit, kahit kailan talaga wala tong masabi na matino. At king meron nan bihira na.

"Tinatanong namin Brit?" Pambabara sa kanya ni Ysa. Nahuhulaan ko na ang kasunod......

"Sinabi ko bang tinanong nyo? Shinare ko lang" sabi ni Ysa. Hehe lumalaki yung butas ng ilong nya 'e.

"Oh! Oh! Tama na! Andito na tayo sa tapat" pagaawat sa kanila ni Sam. "Kita nalang tayo mamayang lunch, busy kami mamayang recess 'e" sabi ni Sam.

Tango lang ang isinagot ko sa kanila. Hinintay ko muna sila pumasok bago ko tahakin ang daanan papuntang room. Maayos akong nakapasok sa room pero hindi ako naka-ligtas sa mga mataang akala mo kakainin ako. Nararamdaman ko na may issue nanaman mamaya.

"Kapag ba niloko ka magiging nerd ka uli? Tch...deserve to her" sabi ng EX friend ng kapatid ko. Akala nya naman ikinaganda nya yang paninira nya 'e no?

"Bagay lang sa kanila magkapatid yung nangyari, pareho kasing makati 'e" pusa may aawat ba sakin sa clown na ito? Kasi kung wala sasampalin ko to.

"Makati? Pano yung makati?" Sabat ng bagong dating na si...... Zealous? Anong ginagawa nya dito?

"S-sir" gulat na sabi nung dalawa. As in gulat na gulat.

Tumaas naman ang dalawang kilay ni Zealous kasabay ng pag-cross arm. Napa-kunot naman ang noo ko sa pagtataka kung ano nanamang ginagawa nya dito.

"Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko.

"Ayaw mo talaga ako makita ah!" Tignan mo to kinakausap ko ng maayos 'e.

"May sinabi ako?" Mataray na sabi ko. Ngumiti lang sya tapos lumapit sakin saka pinisil nanaman yung ilong ko.

"Kahit magtaray ka di ka nagmumukang mataray. Binibisita lang kita, I know naman na wala kang paki I just want to see you" sabi nya habang nililibot ang mata nya.

"Ahh okay" yan lang nasabi ko.

"Xanxy gagawa tayo ng thesis mamaya sa bahay nila Calvin after uwian pwede kaba?" Tanong ng kaklase kong isa.

Sasagot na sana ako ng harangin ako ni Zealous at sya na ang sumagot. "She's not available. Kung gagawa kayo ng thesis sa bahay kayo, pero hindi sa bahay ng Calvin na yan" inis na sabi ni Zealous. Nagseselos nanaman sya.

"Hehehe sensya na ha, tatakas nalang ako" sabi ko. Mas lalong sumama ang muka ni Zealous as in kala mo kaya na nyang lumunok ng sampung tao.

"Ah ganon? Pwes di ako aalis sa tabi mo, tatakas pala ha! Asa ka na makatakas ka. Di ko hahayaan yun akala mo" inis na sabi nya at umupo sa tabi ko. Okay mawawalan ako ng grade sa ginagawa nya 'e.

THIS GIRL IS MY PROPERTY! [✓]Where stories live. Discover now