Episode 6 ( SPG )

1.1K 36 3
                                    

Episode 6

Canalyn POV

Halos dalawang linggo na ang nakakalipas mula noong mangyari ang pamamasok ng apat na armadong lalake sa shop namin.Halos tatlong araw din kaming nagsara dahil doon , isa pa sa mga dahilan kung bakit kami nagsara ay dahil sa mga natagpuang bangkay ng mga lalakeng nanloob sa Shop namin.Grabe . . . . hindi ko masikmura ang nangyari sa kanila , kahit na muntikan na nila akong patayin ay naawa pa rin ako sa kanila dahil tao parin  naman sila para gawin iyon sa kanila.

Tatlong araw din akong walang malay, ang sabi naman ng mga doktor kina Keizer and Zhie , masyado lang daw akong nagulat sa mga nasaksihan ko.

Sa ngayon tatlong araw uli kaming magsasara , dahil itinuloy pa rin namin ni Zhie ang plano naming Outing , para na rin mawala kahit papaano ang trauma at stress namin.Ang nakakainis lang ay sumama sa amin si Valrex.

" Babe , sa kotse ko na lang ikaw sumakay. "        Valrex.

" No thanks . Kay Keizer siya sasabay. " mataray na sagot ni Zhie kay Valrex.

Hay ewan ko ba sa babaeng ito, noon super boto siya kay Valrex tapos ngayon sobra naman siyang galit dito.

" If I know , nagpapanggap lang yan bilang BF  ni Canalyn para pagselosin ako. "     seryosong nakatingin kay Keizer at   mayabang na pahayag ni Valrex na mas lalong ikinainis ni Zhie.

"Aba ang yabang mo rin e noh ? "        Zhie

" Hindi ako mayabang , sinasabi ko lang ang totoo. "        nakangising sabi ni Valrex

" Tsk ! Para walang away sa akin na lang sasabay si Canalyn. "        Putol ni Dizel sa bangayan ng dalawa.

" Hindi kay Keizer sasabay si Canalyn. '        Zhie , sabay hatak sa akin papasok sa shot gun seat ng kotse ni Keizer at saka naman siya nagmartsa patungo sa kotse ni Dizel.

Verzhie POV

Kainis na lalake yun ! Ang kapal niyang magpakita at sumama sa amin ! Grr . . . . . paanong hindi ako maiinis sa kaniya , biruin niyo ba naman habang nasa hospital si Canalyn ay ang hayup na iyon ay walang inatupag kundi ang mangbabae !

Ni hindi man lang dinalaw miski isang beses si Canalyn , mabuti pa itong si Keizer na halos sa hospital na ata tumira , mabantayan lang si Canalyn.

At ang mas ikinagalit ko pa ay noong minsang kinompronta at tinanong ko ito kung bakit hindi man lang niya dinadalaw si Canalyn at kung bakit nang bababae pa rin siya,  ay eto lang naman ang isinagot sa akin.

" Saka na ako titigil kapag sinagot na ako ni Canalyn at isa pa bakit ko naman siya dadalawin e nahimatay lang naman siya. '        presko niyang sagot sa akin.

Grr . .. . . nakakapang init tuloy ng ulo ! Kung noon ay botong boto ako sa kaniya , puwes ngayon kahit nikatiting na 0.1% ay wala siyang makukuha sa aki.

Dark and Light ( Truth and Lies )Where stories live. Discover now