Episode 19 Part I

457 17 0
                                    

Episode19 Part I

" Handa na ba kayong lahat ? "        tanong ni Keizer kina Gen , Dizel at Verzhie.

Pare-parehas silang may dalang mga baril in case of emergency at tig aapat na smoke bomb , samantala na iwan naman si Mrs Stone sa mansyon para kung sakaling kailangan nila keizer ng tulong ay mabilis itong makakatawag sa mga pulis para maresbakan sila.

Simple lang ang ibinigay niya ritong instruction , once na umilaw ang pulang  bulb sa maliit na remote na ibinigay niya rito namay dalawang maliit na bulb , red ang green. Kapag pula ang umilaw ay ibig sabihin kailangan nila ng tulong pero kapag ang berde naman ibig sabihin ay tagumpay sila.

" Oo naman , handang handa na. "        sagot naman ng tatlo.

" Good.  " sabi niya na lang.

Altthough , lahat sila ay kabadong kabado sa kanilang gagawin.

Muling tiningnan ni keizer ang kaniyang cellphone kung saan nakakonekta ang tracking device na inilagay niya sa motor ni Keisaku at napahinga siya ng maluwag ng mukhang hindi pa rin nito natutuklasan ang ginawa niya.

-----------------------------------

Sa  ngayon ay nakasakay na sila sa magkaibang speed boat , dalawa ang dala nila in case of emergency na rin at magkahiwalay nilang tinatahak ang patungo sa isla.

Ayon sa kalkulasyon niya ay mahigit dalawang oras bago sila makarating doon at sa tantya mga gabi na sila nakarating doon.

May dala rin silang mga flashlight at may suot na bullet proof vest sa loob ng mga damit nila.

Pasado alas siete na ng gabi ng makalapag sila sa isla , ang kasama niya  ngayon ay si Verzhie , samantala , sa kabilang dako ay magkasama sina Dizel aT Genova.

" Grabe ang dilim naman dito  at talagang nakakatakot ang itsura ng gubat. "        sabi ni Verzhie habang  nagsisimula na silang makapasok sa loob ng madilim na kagubatan.

Matindi rin itong nakakapit sa braso ni Keizer, samantala seryoso namang nagmamasid si Keizer sa kapaligiran , napakaseryoso ng awra nito at hindi mo mababakasan ng takot o miski kaba na siyang hinahangaan ni Verzhie.

" Kumapit ka lang sa akin , wag kang lalayo. "         malamig na sabi nito sa kaniya.

" O-s-sige. "        sagot niya.

Kahit na ibang ibang Keizer na ang kaharap at kasama niya ngayon , deep inside ramdam niya pa ring ito ang dating Keizer na naging kaibigan nila.

Kahit nag iba na ito ng ugali ay buong puso niya pa rin itong pagkakatiwalaan.

Habang papasok sila nang papasok sa kaloob looban ay padilim an rin ng padilm ang paligid , nakakatakot ! Sobrang nakakatakot  ang atmosphere ng paligid , dahil di tulad sa ibang kagubatan ay wala kang ibang maririnig dito bukod sa mahihinang hampas ng hangin sa dahon ng mga puno , ni anong ingay mula sa insekto o hayop ay wala kang maririnig.

Dark and Light ( Truth and Lies )Onde histórias criam vida. Descubra agora