Episode 17

449 20 4
                                    

Episode 17

 Hindi matumbasan ng kahit anong bagay ang sayang naramdaman ni Keisaku ng sa wakas ay pumayag na si Canalyn na bigyan ng  pagkakataon ang pag ibig niyang inihahandog at heto nga halos isang linggo ng maayos ang kanilang pagsasama.

Papatayin niya ang sinumang hahadlang sa kanilang pagsasama , kahit na ang mismong mga magulang pa nito , wala siyang sasantuhin kahit sino.

Hinidi siya makakapayag na mawalay sa kaniya ang kaisa-isahang taong muling nagbigay buhay sa kaniyang patay na mundo, sa taong nagbigay sa kaniya ng panibagong pag asa at nagbigay ng dahilan sa kaniya upang magpatuoy pang mabuhay , na may katuturan pa ang kaniyang buhay na may ibig sabihin pa kung bakit pa siya nabubuhay at hindi  pa namatay ng araw na iyon.

Para rito handa niyang baguhin ang buhay niya at kalimutan ang masalimuot na nakaraan.

Hinding hindi siya makakapayag na mailayo ito sa kaniya, ayaw na niyang bumalik pang muli sa masalimuot niyang nakaraan.

Ayaw na niya.

Walang silbi ang buhay niya kung wala sa piling niya ang dalga, mahal na mahal niya ito at planado na niya ang kanilang hinaharap at hinid siya makakpayag na masira iyon ng kahit sino.

Kaya kanina ng makatanggap siya ng isang tawag sa kaniyang tauhan na binabalak ng magulang ni Canalyn na i-anunsyo sa television  ang nagyarng pagdukot rito ay agad si

 Kaya kanina nang tumawag ang isa niyang tauhan na nagbabatantay sa bawat kilos ng pamilya ni Canalyn at ng mga kaibigan nito lalo na kay Keizer ay hindi niya maiwasang magngalit sa galit.

Binabalak na kasi ng mga ito na i-anunsyo sa telivision ang nangyaring pagdukot at siya ang ituturong mandurukot.

Alas tres ng hapon gaganapin ang sinasabing pag-aanunsyo kaya't alas dos palang ng hapon ay tinungo na niya ang mansyon ng mga ito.

Tsk !

Dapat kasama niya ngayon si Canalyn at nangingisda sila sa mga oras na ito pero heto siya !

Tatapos  ng mga peste !

Mga pakielamero !

Sa tingin ba nila ay hahayaan niyang makuha nila si Canalyn mula sa kaniya ?

Magkakamatayan muna bago mangyari iyon !

Madali niyang napatay ang mga guwardiyang nakabantay sa palibot ng mansyon gamit ang punyal na may lason .

Walang pag-aalinlangan niyang pinatamaan ang mga ito sa kanilang ulo.

Dark and Light ( Truth and Lies )जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें