Episode 8

642 23 4
                                    

Episode 8

 

Canalyn POV

 " Bye , ingat ka sa biyahe . "        Sabi ko kay Keizer pagkababa ko sa kotse niya

 " I will , bye Canalyn. "        sabi pa niya bago tuluyang umalis.

Ako naman ay dumiretso sa condo ko , oo nga pala kakauwi lang namin mula sa outing kaya heto , pagod na pagod tuloy ako.Sa mga nalabing oras kasi namin doon ay  nag scuba diving , jet ski at kung anu-ano pa ang pinag gagawa namin pero limitado nga lang ang maaari namin mapuntahan dahil sa nangyaring krimen. Heto nga dating nakagawian  hinatid ako ni Keizer , si Dizel naman ang naghatid kay Zhie. Si Valrex ? Psh ! Bigla na lang nawala ng wala kaming kaalam alam. -__-.

Hay sa wakas at makakapagpahinga na rin sa wakas , pero nagkamali pala ako.

" Hello cousin ^__^ "        ngiting ngiting sabi niya.

Wha . . .. bakit siya nandito ?

Naman ! For sure , shopping dito , shopping doo.

Gala dito at gala doon na naman kami.

" Gen, kung mag aaya kang mag sho--- "        tingnan mo hindi pa ako pinatapos magalita. -__-

" Naku , don't worry , hindi kita aayain ngayon. "

Agad namang nanglaki ang mata ko .

" WEH ? "        Ako.

" Oo , alam ko namang pagod ka pa mula sa biyahe . "        sabi pa nito.

" GENOVA MONTEREAL IKAW BA YAN ? "        Sigaw.

" Aray ko naman Lyn , kailangan talaga nasigaw ? "        kunwari'y inis nitong sabi sa akin.

Nilapitan ko naman siya at kinapa ang noo niya.

" Wala ka namang sakit ? "        ako

" Psh ! "        Siya .

Wew ! Imposible talaga , ito pa ? Wala atang patawad iyan , basta sa tuwing nadalaw yan rito ay for sure kawawa na naman kami ni Dizel nito. Bihira lang daw kasi niya kami makasamang magshopping kaya sinusulit niya , ayun nga lang todo sulit nga , halos palaging ubusin na ata ang mga tinda sa mga napupuntahan naming mall .

" Di nga ? HInd ka mag aayang magshopping ? "        ako.

" Ha ? Oo , mamaya na lang hapon para makapag pahinga ka . "        sabi nito.

And with that poker face ko siyang tiningnan.

Dark and Light ( Truth and Lies )حيث تعيش القصص. اكتشف الآن