Episode 15 Last Part

457 19 0
                                    

Episode 15 Last Part

Nanginginig ang buong katawan ni Verzhie na muling nagmaneho pabalik sa hospital kung saan namamalagi si Keizer.

Ayaw man niyang iwan doon si Canalyn pero alam niyang hindi nila kaya ang demonyong iyon.

Takot.

Kaba.

Yan lang naman ang nadarama niya habang tinatahak ang daan pabalik sa hospital.

Takot sa maaring mangyari kay Canalyn.

At kaba para sa kanilang lahat.

Pagkarating niya sa hospital na mabuti't nakarating siya ng maayos ay dali dali niyang pinuntahan ang silid ni Keizer at doon ay muli niya itong naabutang nakatingin sa kawalan.

" K-Keizer . "        tawag niya rito.

Lumingon naman ito sa kaniya at bakas sa mukha nito ang pagtataka.

" O ? May nakalimutan ka ba ? "        tanong nito sa kaniya pero ewan ba niya , pakiramdam niya kasi ay may nagbago rito hindi nga lang niya matukoy kung ano iyon.

" Nasaan si Canalyn ? Bakit di mo ata kasama ? At bakit parang namumutla ka ata ? May nangyari ba ? "        sunod sunod na tanong nito pero bigla siyang kinilabutan sa tono ng pagkakatanong nito sa huli nitong tanong , napakalamig at tila nag dilim ang awra nito.

Napalunok tuloy siya ng wala sa oras at tila kinain ang kaniyang dila.

" May nangyari ba ? "        ulit nitong tanong.

" N-na . . Naku-naku-ha siya ni K-keisaku. "

Matapos niyang sabihin iyon ay biglang nawalan ng emosyon ang mukha nito at isang malamig na tingin ang  ang ibinato sa kaniya.

" Nakuha ? Paanong nangyari iyon ? Kasama ka niya di ba ? "        madidiing tanong nito sa kaniya.

" O-oo , kanina kasi pagkalabas namin ng hospital ay may nakasunod na sa amin kaya nagmadali kaming pumunta sa condo niya. Pagkarating namin doon ay dali dali kaming sumakay sa elevator at nagtungo sa floor kung nasaan ang condo ni Canalyn pero laking gulat namin nang huminto na ang elevator dahil pagkabukas nung elevator ay bumungad sa amin si Keisaku ! Na-corner niya kami sa loob ! Muling bumaba yung levator at sakto pagkahinto nito sa groundfloor ay bigla na lang ako hinila at itinulak palabas ni Canalyn at siya ay naiwan  doon sa loob. "

Mahabang salaysay niya rito na hinid niya sigurado kung usnod sunod ba ang pagkakasabi niya.

" Ano na ang gagawin natin ? "        kabadong tanong niya rito pero laking gulat niya na lamang nang isa-isa nitong tinanggal ang mga kung anu-anong nakakabit sa mga braso at dibdib nito , tinanggal din nito ang benda sa kaniyang ulo , kanang braso at balikat at ang benda rin sa kaliwang paa nito.

Dark and Light ( Truth and Lies )Where stories live. Discover now