Episode 20 Part I ( SPG )

667 20 0
                                    

Episode 20 Part I

" Ibaba mo 'yang espada mo or else ipuputok ko itong baril ko sa ulo mo. "        malamig na sabi nito sa nagbabantang boses.

Napangisi naman si Keisaku bago dahan dahang nilingon ito.

" Oh , ang tagapagtanggol , dumating na rin sa wakas. "        nakangising sabi nito pero agad ding nagdilim ang itsura nang makita nitong di lang ito nag iisa, kasama nito si Canalyn.

"Pero di tulad sa mga palabas , mamatay ang bida sa pagkakataong ito at ang kontrabida naman ang mananalo. "        madiing sabi nito gamit ang malamig na boses.

Pero hindi siya pinansin ni Keizer na tila may malalim na iniisip.

Kailangan niya makuha ang atensyon nito nang sa gayon ay magawa niya ang kaniyang plano.

Tinignan niya  sa mga mata si Verzhie sabay hawak sa smoke bomb na nasa tagiliran niya at sinubukang iparating dito ang mensaheng gusto niyang iparating dito na mukhang nagets naman nito dahil tumango tango ito.

Ayos ! Kailangan na lang niyang kuhain ang atensyon nito para hindi nito mapansin ang gagawin ni Verzhie.

" Umalis na kayo Canalyn . Verzhie  Genova , dalhin niyo na kaagad sa hospital si Dizel , ako na ang bahala rito. "        kalmadong sabi nito sa mga ito.

Muling tumango tango lang si Verzhie , ganun din si Genova.

" Hmmm , mukhang may pinaplano kayo ah. . . .  " singit naman nang nanlilisik ang mga matang si Keisaku.

Muli ay hindi siya pinasin ni Keizer , nagpalinga linga lang ito sa paligid na tila ba ay may hinahanap.

Tagumpay namang nakuha ni Keizer ang atensyon ni Keisaku dahil sa pag palinga linga niya sa paligid , nakatutok pa rin ang baril niya rito at hawak niya pa rin niya  ang smoke bomb sa kaliwang tagiliran niya.

 Pasimple niyang tinanguan  si Verzhie bilang hudyat habang patuloy pa rin sa paglinga linga sa paligid.

Wala naman ng inaksya pang oras si Verzhie at mabilis na pinaputok ang smoke bomb nito sa tapat ni Keisku.

" Shxt ! "        huling dinig nilang sabi ni Keisaku bago sila kumaripas ng takbo.

Mabilis namang pinasan ni Keizer sa kaniyang balikat si Dizel bago sumunod kina Canalyn.

Si Canalyn ang sinusundan nila dahil mas may alam ito sa daan palabas ng kagubatang ito.

" RUN ! "

" RUN !! "

" RUN !!!!!!!!!! "

Sunod sunod na dinig nilang sigaw ni Keisaku

Dark and Light ( Truth and Lies )Où les histoires vivent. Découvrez maintenant