Episode 16

468 20 0
                                    

Episode 16

After One Week.

Habang nagluluto ng agahan si Canalyn ay bigla na lang may yumakap na mga braso sa kaniyang bewang. Hindi na siya nagulat roon dahil sanay na rin siya at isa pa alam naman niya kung sino iyon. Wala naman na siyang ibang kasama rito kundi ang lalakeng iyon eh.

" Good Morning hon . "

Bati nito sa kaniya bago marahang hinalikan ang kaniyang leeg na siyang nagpatayo ng kaniyang mga balahibo sa buong katawan.

Sa buong linggo na magkasama sila ay tanging pagkamuhi lang at pandidiri ang nararamdaman niya para rito.Kung maaari nga lang siyang tumakas ay ginawa niya pero bago iyon ay kailangan niya munang magtiis at sundin ang plano niya.

" G-good morning din hon , maupo ka muna dun , malapit naman na itong matapos. "

Nginitian lang siya nito bago siya sundin , inayos na lang din nito ang kanilang kakainan.

Isang linggo.

Isang linggo na siyang uma-arteng tanggap na niya ang sitwasyon niya , na handa na siyang pag aralan itong mahalin.

Nakakasuka !

Mahalin ?

Kailanman ay hindi niya pinangarap na makulong sa isang bahay kasama ang isang demonyo !

Sa ngayon kailangan niya munang makuha ang loob nito nang sa gayon ay magawa niya ang binabalak niyang pagtakas rito.

Medyo nakakabisado na rin niya ang iba't ibang daan palabas ng gubat na ito.

Nakatayo kasi ang tinutuluyan nilang bahay ngayon sa gitna ng isang masukal na gubat , mabuti na lang talaga ay madali niyang nakuha ang loob nito at naaya niya itong ilabas labas siya paminsan minsan pero sadyang matalino ito dahil sa tuwing inilalabas siya nito ay paiba iba ang daang  tinatahak nila , mabuti na lang talaga at  makakabisaduhin siya.

Noong bata pa kasi siya ay takot siyang mawala sa tuwing may lakad sila ng pamilya kaya ang ginagawa niya ay tinatandaan niya ang mga lugar na dinadaan nila.

Tahimik lang silang kumakain pero makailang beses niya itong nahuling sumusulyap sa kaniya at pagkuwa'y ngingitian siya , ngini-ngitian niya na lang din ito sabay iwas ng tingin.

Hindi niya kasi kayang makipagtitigan dito dahil baka maitapon niya lang bigla ang pinggang kinakainan niya sa mukha nito.

" May lakad ka ba ngayon ? "       maya-maya'y tanong niya rito.

" Wala naman hon. Gusto mong mangisda sa may ilog pampalipas oras lang ? "        nakangiting sagot at tanong nito sa kaniya.

Dark and Light ( Truth and Lies )Where stories live. Discover now