Episode 13

536 21 0
                                    

Episode 13

 Matiyagang inabangan ni Keisaku ang paglabas ni Canalyn mula sa loob ng condo nito.

Desidido na kasi siyang sabihin dito ang kaniyang natuklasan kahit na alam niyang may posibilidad na hindi siya nito paniwalaan. 

Habang hinihintay nitong lumabas ang dalaga ay hindi niya mapigilang mapangiti ng mapakla , grabe lang talaga , ang galing lang manlinlang ni Keizer , na ni minsan ay hindi mo talaga maiisip na ito ang salarin , na isa pala itong mamamatay tao.

Agad na natuon ang atensyon niya  sa dalagang kalalabas lamang ng condo nito , bakas sa mukha nito ang pagkagulat at galit ng makita siya.

Sabi na , siya ang pinagbibintangan nito.

" Keisaku ? Anong inagawa mo rito ? Dudukutin mo rin ba ako ? Ha ? Nasaan na ang pinsan at kaibigan ko ? "        sunod sunod at pagalit na tanong nito.

Malungkot niya itong nginitian bago batiin.

" Good morning Canalyn . "

" Anong maganda sa umaga kung ang demonyo mong pagmumukha ang makikita ko ? "  mataray na tugon nito sa kaniya.

" HIndi mo alam ang sinasabi mo . Hindi ako ang dumukot sa kanila kundi si Keizer  "

" Ha ? Ganiyan ka ba kadesperado ? Si Keizer pa talag ? O come on Sige , itanggi mo lang na ikaw nga ang dumukot pero ito ang tatandaan mo ! Sa oras na makahanap kami ng ebidensya ay sisiguraduhin kong sa kulungan ang bagsak mo !  Tabi nga ! Panira ng araw eh"

Yun lang at nilagpasan siya nito.

' Kung alam mo lang . . . malapit lang sayo ang taong hinahanap mo. '

Malungkot niya itong hinabol ng tingin at mababakas rin sa mga mata niya ang kalungkutan.

Pero . . .

Hindi pa rin siya susuko , kung hindi niya makukumbinsi ang dalaga ay siguro naman ay maaari niya pang makumbinsi ang matalik nitong kaibigan. Pero bago niya ito puntahan ay kailangan niya munang makahanap ng ebidensya upang mapaniwalaan siya , kailangan iyang mahananp ang diary ni Keizer. Iyon lamang ang tanging susi upang maisiwalat ang katotohanan.

-----------------------------

Sobrang bilis.

Sobrang lakas.

At puno ng takot ang puso ni Canalyn matapos niyang mabungaran si Keisaku na nag aabang sa labas ng kaniyang bahay.

Pero tinatagan niya ang kaniyang loob , hindi siya maaring mag paapekto rito , kailangan niyang lumaban kung sakali mang may balak itong masama , mabuti na lamang at nagawa niya itong tarayan kanina upang maitago ang takot na kaniyang nararamdaman.

Dark and Light ( Truth and Lies )Where stories live. Discover now