Episode 7

787 30 1
                                    

Episode 7

Canalyn POV

Pagkagising namin ay isang karumaldumal na krimen agad ang bumungad sa amin.May mga natagpuang putol putol na katawan ang palutang lutang sa dagat . May mga pulis na pumasok sa loob ng bahay namin  may mga dala itong larawan ng mga namatay at tinanong nila  kami kung kakilala o  kilala daw ba namin ang mga iyon.

Nagkatinginan naman kami ni Keizer nang makita namin yung larawan , dahil ito yung mga lalakeng nambastos sa akin kahapon.Nang mapansin naman nung dalawang pulis na medyo tinitigan namin yung mga larawan ay tinanong nila kami.

" Kilala niyo ho ba sila Ma.am , Sir ? "

" H-ha ? "

Wala akong maisagot dahil hindi ko alam ang dapat kong isagot , tila na blangko ang utak ko.

" Hindi po , nakasalubong lang namin sila kahapon habang naglalakad kami sa dalampasigan at base pa ho sa kanilang lakad ay mukhang mga lasing ho ang mga ito. "

Kalmadong sagot ni Keizer.

" Mga anong oras niyo naman sila nakasalubong ? "

" Mga mag aalasais na po yun ng gabi. "        sagot ko.

Tumango-tango lamang ang mga ito , maya-maya lang din ay umalis na rin ang mga ito.

Nabalot tuloy ng tensyon ang buong bahay ,

Hay . . . . imbes ata na mabawasan ang stress namin ay mukhang nadagdagan pa.

" Psh ! Ano ba namang mga mukha iyan guys ? Para naman kayong nalugi , cheer up guys ! "        ngiting-ngiting sabi sa amin ni Keizer.

At mukha namang naging effective ang pagiging masiyahin niya ngayon dahil medyo nabawasan ang mabigat na atmosphere dito sa bahay.Pero pansin ko lang si Zhie , mukha kasing may malalim itong iniisip mula kanina pa , dahil kanina pa siya nananahimik.

" Sige ! Para naman mawala yang mga nakabusangot niyong mga mukha ay ipagba-bake ko na lamang layo nang aking specialty na cake nang sa gayon ay gumuwapo at gumanda uli kayo , di niyo kasi ako gayahin , tingnan niyo , ang guwapo ko di ba ? "        may pagyayabang na sabi nito , bago tuluyang pumasok sa kusina.

Nailing-iling nalamang ako sa kakulitan nito.Nilapitan ko naman si Zhie upang alamin kung masama ba ang kaniyang pakiramdam.

" Zhie , masama ba ang pakiramdam mo ? "        Tanong ko.

Bahagya pa itong nagulat sa biglaan kong pagtatanong , senyales lamang na nasa malalim siyang pag iisip.

" Ha ? HIndi ah. "        nakangiting sabi nito sa akin.

" Eh , bakit ang tahimik mo ? "        Tanong ko uli.

" W-wala naman , bakit masama bang manahimik paminsan minsan ? "        nakangiting tanong nito sa akin , at dahil best friend ko siya ay. . .

Dark and Light ( Truth and Lies )Kde žijí příběhy. Začni objevovat