Episode 10

576 21 0
                                    

Episode 10

Third Person POV

" Alas dose pasado  na pero wala pa rin si Keizer at Verzhie , ano ba yan ! "        inip na inip na sambit ni Genova sa hangin. Pinapapunta niya kasi ang mga ito sa Condo niya after nung surprise dinner date para kay Canalyn kaso mukhang napasarap ata ang mga ito at hanggang ngayon ay wala pa rin.Napagpasyahan niya kasing sa mga ito muna niya sasabihin ang mga nalaman niya , knowing her cousin alam niyang mafe-freak out ito sa oras na dito niya ito sabihin.

Habang naghihintay siya ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Tinignan niya kung sino ang tumatawag at pangalan ni Verzhie ang naka rehistro , walang atubiling sinagot niya ito.

" Hello ? Verzhie ? Nasaan ka na ? "        tanong niya kaagad rito.

[ Naku pasensya na , hindi kasi ako makakarating , bigla kasing inatake ng hika si Mommy actually nandito nga ako sa bahay namin eh  , di ko na nga rin na tulungan si Keizer kanina. ] mahabang paliwanang nito, napasimangot naman ng wala sa oras si Genova.

" Paano na yan eh importante pa naman itong sasabihin ko ? "        naka simangot na tanong nito.

[ Edi sabihin mo na lang ngayon. ]        sagot naman ni Verzhie.

Napabuntong hininga naman si Genova bago sumagot.

" Ano pa nga ba ang magagawa ko ? "        muli siyang bumuntong hininga bago uli nagsalita.

" Kung pwede lang sana ay pumunta ka sa walang taong lugar. "        seryoso nitong sabi , napa seryoso na rin sa kabilang linya si Verzhie ng maramdamang napaka impotante talaga ang sasabihin nito.

Maya-maya pa.

[ O ayan , nandito na ako sa silid ko , so ano ba yang sasabihin mo at mukhang napaka seryoso. ]        malumanay na tanong niya.

" Its all about Canalyn. "

[ O ? Anong tungkol sa kaniya ? ]         takang tanong niya rito.

" May isang lalake kasing nao-obssess sa kaniya ngunit hindi ko pa talaga sure kung siya ba ito kaya kakalap muna ako ng impormasyon pero malakas ang kutob kong si Ke---- PAK ! BLAG !. "        Naputol na ang sasabihin nito dahil sa biglang may matigas na bagay ang tumama ng malakas sa kaniyang ulo dahilan upang mawalan siya ng malay.

[ Oy gen ! Hoy ! GEN ? GEN ? GEN ! ANONG NAYAYARI . GENO--- ]

Naputol na rin ang linyang nag uugnay sa kanila.

---------------------------------------------------

KINABUKASAN.

Nagising nang wala sa oras si Canalyn dahil sa walang tigil na pagtunog ng kaniyang cellphone, nakapikit niya itong kinapa at nang makapa na niya ito ay bahagya niya lamang iminulat ang kaniyang mga mata upang alamin kung sino ang tumatawag.

Dark and Light ( Truth and Lies )Where stories live. Discover now