Episode 14

516 18 1
                                    

Episode 14

 Kakatapos  lamang ihatid ni Keizer si Canalyn sa condo nito , mataman muna siyang nagmasid sa paligid at inalam kung may kahina hinala ba sa paligid ng masiguro na niyang wala at ligtas ng iwan si Canalyn ay agad siyang nagtungo sa condo ni Genova .

Kailangan na niya kasing matagpuan ang kaniyang Diary , maisip pa lamang niyang mapunta iyon sa mga kamay ni Canalyn ay lubha na siyang nilulukuban ng takot. Hanggang ngayon kasi ay hindi niya pa rin ito nakikita kinalkal niya halos ang buong condo ni Dizel ngunit hindi niya ito na tagpuan doon , maging ang silid nito sa mansyon ng mga magulang nito ay maingat na rin niyang ginalugod ngunit bigo pa rin siyang makita iyon , at heto nga patungo naman siya ngayon sa condo ni Genova , nagbabaka sakaling doon niya ito matagpuan.

Ngunit habang binabagtas niya ang daan patungo sa condo nito ay napansin niyang may isang asul na kotse ang kanina pang sumusunod sa kaniya na ikinakunot ng kaniyang noo.

Pero  laking gulat na lamang niya ng may isang lalakeng naka itim na mask ang dumungaw mula sa driver sit at may inilabas na isang baril at itinutok sa kotse niya !

Walang emosyong iniliko niya ang kaniyang kotse paharap dito at walang anu- anong sinugod ito !

Mas lalo rin niyang binilisan ang pagpapatakbo sa kaniyang kotse , mabuti na lamang at gabi na iyon at wala na gaanong mga sasakyan ang nadaan doon.

Napamangha naman siya ng hind man lang natinag ang driver ng kotse na iyon dahil matapang rin siya nitong sinugod.

Bigla tuloy siyang nasabik at napangiti pa ng nakakatakot.

BANG !

BANG !

BANG !

Sunog sunod na pagpapaputok nito sa kotse niya , palapit na rin nang palapit ang kanilang kotse sa isa't isa , sobrang bilis na rin ng kanilang pag papatakbo.

Muli na naman siya nitong pinaputukan mas lalo lang siyang nasasabik dahil dito.

Kaunti na lang at mgasasalpukan na sila pero siya ay nananatili pa ring kalmado samantalang kabadong kabado naman na nag driver ng nasa kabilang kotse pero buong lakas pa rin nitong hinarap ang demonyong kinakalaban niya.

Shxt ! Demonyo talaga ! Hindi ba ito natatakot mamatay ? 

Dark and Light ( Truth and Lies )Where stories live. Discover now