Episode 19 Part II

435 19 0
                                    

Episode 19 Part II

Kahit na nanghihina na siya sa kakapumiglas at kahit na alam naman na niyang hindi siya makakawala rito ay hindi pa rin siya tumigil sa pagpupumiglas.

Kasi hindi pu-puwedeng mahuli at ikulong na naman siya nito sa bahay na iyon !

Naku kapag hindi pa tumalab ang ideya niyang ito ay ewan na lang niya.

Bigla niyang kinagat ang kamay nitong nakatakip sa bibig niya.

Yes ! Tagumpay ! Nabitawan siya nito.

Tatakbo na sana siya ng marinig niya ang boses nito.

" Aray naman Canalyn , ang sakit mo palang mangagat. "        sabi nito sa nagbibirong boses.

Teka.

Imposible !

Si....

Dahan dahan niya itong nilingon at hindi nga siya nagkakamali !

Si Keizer nga ito !

Bigla siyang nabuhay ng lakas nang loob pagkakita niya rito.

Kahit na madilim ang paligid ay tila nag liliwanag ito sa paningin niya.

" K-keizer ? Ikaw ba talaga yan ? "        tanong niya.

" U-huh. Pero mamaya na tayo mag usap , at baka mahuli niya tayo. " sabi nito sa kaniya at bigla na rin itong naging seryoso habang nag papa linga linga sa paligid.

" Teka , mag isa ka lang na pumunta rito ? "        tanong niya bigla rito.

Bigla naman niyang nabakasan ng kaunting pag aalala at pag sisisi ang mga mata ni Keizer pero sandali lang ito at agad ding nawala.

Biglang naalala ni Keizer ang nangyari kani-kanina lang.

Muli na naman tuloy siyang binalot ng kaba at pag aalala , nagsisisi rin siyang hindi niya ito napigilan sa kung anuman ang binabalak nito kanina.

Dark and Light ( Truth and Lies )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon