Episode 20 Part II ( SPG )

680 20 0
                                    

Episode 20 Part II

Sa isang palaruan sa isang village ay may dalawang batang lalake na kapwa nasa edad walong taon ang masayang naglalaro. Kahit dalawa lang sila ay bakas na bakas sa kanilang mga mukha na sobrang silang nag-eenjoy , hindi kasi nila masyadong close ang ibang bata roon at isa pa grupo grupo kasi ang mga tio.

Masaya silang naghahabulan at nag tataya tayaan , paminsan minsan ay nag wre-wrestling-an sila , naupo sila sa isang bench di kalayuan sa kanila ng kapwa makaramdam na sila ng pagod.

Oo nga pala , ika-walong kaarawan ngayon ni Zer , isa sa dalawang batang natukoy pero hindi iyon  ang totoo niyang pangalan , ewan din niya kung bakit iyon ang pakilala niya rito , pero sa araw na ito ay balak na niyang sabihin dito ang tunay niyang pangalan dahil gusto na din niyang mas kilalanin ito , batid din kasi niyang hindi Iku ang tunay nitong pangalan ,siguro tulad din niya ay hindi sila madaling magtiwala sa mga bagong kakilala pa lang.

Nasa palaruan sila ngayon dahil mamaya pa naman ang kaniyang party.Magsasalita na sana siya para magpakilala ng tunay dito nang maunahan siya nito.Mula sa likuran nito ay may inilibas itong dalawang may kaliitang notebook , agad siyang namangha sa larawang desinyo nito sa harapan.

May malaking rainbow rito na nasa ibabaw ng mga ulap habang tila umuulan naman ng mga angel wings sa buong lugar na iyon   at sa gitna naman ng malaking rainbow ay maydalawang anino ng bata na magkahawak kamay.

 " Ano yan ? "        tanong niya rito.

" Diary. Tayo yung dalawang batang iyan , sinasabi diyan na naabot na natin parehas ang ating mga pangarap , at dito naman sa diary na ito isusulat natin ang ating talambuhay, kung paano natin nakamit ang pangarap natin. "        nakangiting sagot nito sa kaniya

" Oh , ngayon ko na ibibigay ang regalo ko sa iyo kasi mamaya matatabunan lang iyan ng mga iba mo pang regalo , eh ang liit pa naman nito baka hindi mo na makita. "

sabi nito sa kaniya sabay abot nang notebook sa kaniya.

Nakangiti naman niya itong inabot at saka ibnulsa.

" Salamat , sa lahat siguro ng mga regalong matatanggap ko ay ito na ata ang pinaka maganda ! "         galak na galak niyang sabi rito.

" Dapat lang ! Pinasaday ko paata iyan kay mommy para tayong dalawa lang ang mayroon nito , oh tingnan mo itong sa likod nakalagay ang mga pirma nating dalawa patunay lang an atin ito. "        pagmamayabang na sabi nito sa kaniya sabay pakita ng diary nito.

Nginitian na lang niya ito at nginitian lang din siya nito pabalik.

Pero agad nawala ang mga ngiti nila at agad napalitan ng takot ang kanilang masayang imahe ng sunod sunod silang makarinig ng mga tili at putok ng mga baril !

Napakaraming itim na Van ang nakapaligid sa buong palaruan at isa isang kinukuha ng mga mamang nakamask ang mga batang naroon !

" Hali ka na Zer ! Tumakbo na tayo ! "         sigaw ni Iku sa kaniya  sabay takbo , tumakbo na rin siya ng mabilis at sinundan lang niya ito dahil hindi niya alam kung ano ba ang gagawin , natatakot na siya , takot na takot.

Dark and Light ( Truth and Lies )Where stories live. Discover now