Episode 15 Part III

485 18 6
                                    

Episode 15 Part III

Inabot na sila ng gabi sa Hospital , pinag usapan lang nila doon ang mga hakbang na kanilang gagawin. Kumuha na rin ng mga body guard si Keizer para masigurado ang siguridad ng mga taong mahahalaga sa kanila  at maging para na rin sa sarili nila.

Sa ngayon ay binabagtas na nilang dalawa ni Verzhie ang daan pauwi sa condo ni Canalyn upang doon kumuha ng mga kaniyang damit at ilang personal na gamit dahil napagpasyahan nilang  sa mansyon muna nila Keizer sila pansamantalang manunuluyan.

Pero ,

Pag kaalis pa lang nila mula sa hospital ay may isang itim na SUV na ang nakasunod sa kanila ,sa una ay akala nila ay nataon lang na parehas sila ng binabagtas na daan pero hindi !

Sa kanila talaga ito nakasunod !

Binilisan na lang ni Verzhie ang pagpapatakbo sa kotse niya kaya mabilis silang nakarating sa Condo niya , pagkapark na pagkapark nila ay dali dali silang natungo sa elevator. Medyo nakahinga sila ng maluwag nang makasakay na sila  rito.

" Shxt ! Sa tingi mo ba ay siya iyon ? "        tanong ni Verzhie sa kaniya.

" H-hindi ko rin alam. "        kabadong sagot niya rito.

" Tsk ! Billisan mo na lang ang pagkuha sa mga gamit mo ha ? "        sabi na lang sa kaniya ni Verzhie , tumango na lang siya bilang pagtugon rito.

Napabuntong pa sila ng malalim ng sa wakas ay huminto na ang elevator sa floor ng condo niya.

Pagkabukas ng elevator ay halos maestatuwa naman sila dahil sa taong nakangiting nag aantay sa kanila sa labas ng elevator.

Paanong napuntat agad ito rito ?

" Oh ? Bakit tila nakakita ata kayo ng multo ? "        nakangising tanong nito sa kanila.

Patay na !

Mukhang alam na ito na alam na nila ang katotohanan !

Ano na ang gagawin nila ?

Magsasara na sana ang pinto ng elevator ng bigla nito itong pigilan gamit ang mga kamay nito.

Palakas nang palakas at pabilis nang pabilis ang tibok ng puso nila habang unti unti itong lumalapit sa kanila .

Paatras din sila ng paatras hanggang sa masandal na ang kanilang likod sa malamig na bagay.

Dark and Light ( Truth and Lies )Where stories live. Discover now