Episode 15 Part II

474 16 2
                                    

Episode 15 Part II 

Maaga pa lang ay nagtungo na kaagad sina Verzhie at Canalyn sa hospital kung saan nagpapagaling si Keizer.

Habang papalapit sila ng papalapit sa silid nito ay palakas rin nang palakas ang tibok ng kanilang mga puso hindi sila makapaniwala sa nalaman nila , si Keisaku ? Isa pala talagang mamamatay tao ?

Pagkarating nila sa silid ni Keizer ay naabutan nila itong nakatulala at nakatingin lang sa kawalan.

Ewan ba nila simula nung malaman nitong may ipinadalang isang diary si Dizel ay nagkaganito na ito.

" Keizer. "        tawag atensyon ni Canalyn rito.

Agad naman sila nitong nilingon at nginitian.

" Ang aga niyo atang napadalaw ? "        nakangiting tanong nito sa kanila.

" May kailangan kasi kaming sabihin sa iyo. "        seryosong sagot ni Verzhie.

" Ha ? Tungkol saan ? "        tanong ni Keizer rito.

" Kilala na namin ang may ari ng diary na ito. "       

sagot nito sa kaniya sabay pakita ng diary na ang desinyo ay   May malaking rainbow rito na nasa ibabaw ng mga ulap habang tila umuulan naman ng mga angel wings sa buong lugar na iyon   at sa gitna naman ng malaking rainbow ay maydalawang anino ng bata na magkahawak kamay.

Agad namang dinagsa nang kaba ang kaniyang puso , nanlamig na rin ang buo niyang katawan at pinagpapawisan na rin siya ng malagkit , halos manuyo na rin ang kaniyang lalamunan sa sobrang kaba.

" Ta-talaga ? "        kabadong tanong niya.

" Oo. "        seryosong sagot ni Verzhie habang seryosong nakatingin sa kaniya dahilan upang mapalunok siya nang wala sa oras.

" Si-sino ? "        kabadong kabadong tanong niya. Halos lalabas na nga rin ata sa dibdib niya ang kaniyang puso  sa sobrang kaba.

" Walang iba kung di  . . . .

Dark and Light ( Truth and Lies )Where stories live. Discover now