Chapter 6:

5.7K 153 4
                                    

Aziria's POV

Nakauwi na si Israel pati ang mga kaibigan ko ng ligtas. Si Clesea na lang ang nandirito sa aking condo, nagguiguilty ako kanina kasi sinigawan ko siya. Alam kong humingi ako ng paumahin pero parang hindi sapat.

Alas dyes na ng gabi, ngayon ay ramdam kong masama ang aking pakiramdam. Alam kong bunga ito ng saksak sa akin ni Sunshine, ayos na ang ganito kaysa pumunta akong ospital. Hinding-hindi ko gagawin iyon.

"Bee, ang taas ng lagnat mo. Uminom ka muna kaya ng gamot, sabi sa 'yo e." Ibinigay niya sa akin ang gamot na agad kong kinuha. "Ay, sorry nga pala kanina kasi nagalit ka." Iyong kaninang pagsigaw ko ang tinutukoy niya.

"I should apologize to you. Naisipan ko kasi na mas mabuti nang sigawan ka para manahimik ka. Alam mo naman kasing kasali ako sa gang at bawal nila malaman kasi ang isang kaibigan nila ay kasali rin. Bawal nila akong makilala."

"Nagulat nga ako, kanina mo lang ako nasigawan pero ayos lang, nag-aalala ka lang naman sa mga kaibigan mo. Naiintindihan ko."

"Thanks for understanding."

"Oh, sige na. Matulog ka na."

"Wait, saan ka nga pala matutulog? At wala ka bang pasok?" Tinaasan ko siya ng kanang kilay.

"Wala akong pasok bukas, may sakit ka ngayon kaya roon muna ako sa sofa. Pahiram muna ng kumot at unan." Kalmadong sabi niya at kinuha ang extrang kumot at unan. "Sige na, matulog ka na para bukas ayos na ang pakiramdam mo."

Maalagain talaga siyang kaibigan.

"Sure, thank you and ayoko ring malaman ni Tyrone na may sakit ako." Desisyon ko pa.

"Papasok na ba si Tyrone bukas?"

"Oo, magkaklase kami."

"Sige, tatambay na lang ako rito bukas tutal wala namang class."

"Hoy! Huwag ka magdadala ng lalaki mo rito!" Pagbabanta ko pa, tinitigan ko siya.

She rolled her eyes. "Huwag mong ilipat sa akin ang mga gawain mo."

Hindi ko pinansin ang kaniyang paratang. "I'm sleepy. Magbubungangaan na naman tayo nito." Saka ako humikab.

"Sige, good night." Lumabas na siya ng kwarto.

Mabilis naman akong dinalaw ng antok dahil masama ang aking pakiramdam.

"BEE, Gising na. six na ng umaga." Naramdaman kong yinuyugyog ako ni Clesea. "At ang taas pa lalo ng lagnat mo!" Minulat ko naman ang aking mga mata dahil sa kaniyang sigaw. Sakit sa tainga.

"Anong oras na?" Halos mamaos ako sa pagsasalita.

"Ala-sais na ng umaga. Huwag ka na kayang pumasok dahil ang taas ng lagnat mo." Nilapat niya pa ang likod ng kamay niya sa noo ko para damhin kung gaano kainit.

"Hindi pwede, kailangan talaga dahil baka magalit si Tito Florenza."

"Sinong Florenza?"

"Si Tito Abril."

"Ah, iyong dean ng school niyo?"

"Oo."

"Maiintindihan ka naman niya. May sakit ka kaya. Self first, please. Listen to me." Nagmamakaawa ang kaniyang boses.

"Hindi naman siya magagalit sa akin dahil lumiban ako," mahina kong sabi. "Magagalit iyon kung bakit ako may sugat at inaapoy ng lagnat ngayon. Malamang ay magtatanong siya kay Tyrone kung bakit ako hindi pumasok."

"Hays, fine. Uminom ka na lang ng gamot."

Tumango na lang ako sa kaniya at naligo na. Pagkatapos kong maligo, kumain na ako ng pilit na luto ni Clesea, ham, egg at fried rice. Her effort.

The Hidden PrincessKde žijí příběhy. Začni objevovat