Chapter 47:

4K 82 1
                                    

Aziria's POV

"KUYA!" rinig kong sigaw ng isang babae habang nasa taas ako ng hagdan. Kanina ko pa naririnig itong sumisigaw. "KUYA!"

Nagtaka naman ako dahil nilapitan ako ni Israel at pahatak papasok sa kwarto.

"B-Bakit?"

Problema nito?

"Magtago ka."

"Huh, love? Pinagsasabi mo?"

"Magtago ka nga," pilit niya pa at walang hirap-hirap akong pinasok sa kwarto.

Napasimangot ako at labag sa loob kong ginagawa niya sa akin 'to. Kuya? Sino ba ang babaeng 'yon para itago pa ako ng boyfriend ko rito sa kwarto?

"Ano ba?! Wala nga! Kulit naman!" sigaw ni Rael.

Rinig ko ang kanilang usapan dahil kung magsagutan silang dalawa ay pagalit. Akala mo may mga sama ng loob sa isa't isa.

"No way!" matinis na tugon ng babae.

Baka naman babae ito ni Israel kaya tinago niya ako rito? Joke.

Lumabas ako ng kwarto. Napahinto ako sa railings ng hagdan nang maisip kong kailangan ko magtago, baka kailangan talaga. Mapait akong napangiti sa naisip. Tumigin ako sa ibaba, nakita ko ang dalawang postura ng tao na nakatalikod mula sa akin.

"Sabi nila may babae ka rito! Bakit hindi mo ilabas? My God, Israel! Kailan ka pa natutong magdala ng babae rito sa bahay mo?! Ng kayong dalawa lang?!"

Naiirita ako sa pagtawag niya sa akin ng babae mo. Hindi niya ba alam na girlfriend ako ng kuya niya? Masyadong matinis ang boses nito.

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan. Sa inis ko, sumabat na ako. "Ano bang kailangan mo rito? Hanap ka nang hanap."

Galit ang mukha ng babaeng humarap sa akin. Nanlaki ang kaniyang mga mata at mabilis na dumamba ng yakap sa akin. "Aziriaaaaa!" What the? Humiwalay siya at tiningnan ako sa mukha. "Anong ginagawa mo rito? Yaya ka ba ni kuya?!"

"Abnormal ka?" Tinanggal ko ang mga braso niyang nakapulupot sa akin.

"Hindi nga?! Girlfriend ka ni kuya? We? E, ang pangit-pangit naman ng kapatid ko!"

"Isn't obvious?"

Mas lalo akong napasimangot nang sampalin ako nito, hindi naman masyado malakas. Napalapit tuloy si Israel sa amin dahil nagulat sa ginawa ng kapatid niya.

"Irish, lumabas ka na nga. Umuwi ka na!" naiinis na suyaw ng nobyo ko sa kapatid niya.

Mahina akong bumulong. "Walang pinagbago."

"Bee, namiss kita!" Tinulak niya si Israel sa aking likuran para wagas siyang makayakap muli sa akin. "Wala kang paramdam! Nandito ka lang palaaa! Pero ang pinagtataka ko, bakit sa pangit kong kuya ka pumatol?!"

"Ang kapal mo, Irish. Mukha ka na ngang adik," balik lait ni Israel. Tinarayan siya ng kapatid.

"Ang lapit mo naman," reklamo ko. Tinutulak ko siya palayo sa aking katawan pero ayaw niyang humiwalay. "Irish, 'no ba?"

"Ayusin mo naman ang reaksyon mo, bee. Nakakawalang ganaaaaa!" Siya na mismo ang humiwalay at laking pasasalamat ko iyon.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Rael.

Umakbay naman siya ngayon sa akin. "She's my friend, kuya!" Napakakulit talaga nito. "Oh, ano? Ano? Hindi mo alam, 'no? Mahina ka kasi!"

"Papalayasin kita maya-maya, tingnan mo," banta niya sa kaniyang kapatid. Humarap siya sa akin. "Punta muna akong kusina. Iwan ko muna kayong dalawa."

The Hidden PrincessWhere stories live. Discover now