Epilogue 1:

4.9K 99 2
                                    

Third Person’s POV

8 years later...

Pagod na bumagsak ng upo si Aziria dahil sa pagod na nararamdaman. Sinalubong siya ng kaniyang mga magulang.

"How’s your business trip?" tanong ng ama habang sumisimsim ng kape. Ang mga mata ay nakatuon sa kaniya.

"It’s okay, dad. Too tired," antok niyang tugon dito. Pabagsak na hiniga ang sarili.

"I told you magpasama ka kay Azimia, baby," ani naman ng ina na nakaharap sa cellphone. Namimili ng kung anu-anong damit.

Bumuntong-hininga siya at muling umupo para hubarin ang sapatos. "Hays, mom. Wala naman pong maitutulong ‘yon sa akin."

Napatango-tango na lang ang ina. "Tulog na ang anak mo, umakyat ka na lang doon sa taas."

"Yes, mom. Pupuntahan ko."

May anak si Aziria. Kilala ng mga magulang niya kung sino ang tatay. Ayaw ipaalam ni Aziria sa tatay nitong nagkaanak sila dahil hindi pa siya handa roon. Ayos lang naman sa mga magulang ng dalaga ang maaga niyang pagbubuntis dahil kaya naman nilang tustusan ang gastusin. Kahit ganoon, natupad ni Aziria ang kaniyang mga pangarap. Naging pribado ang pagbubuntis ng dalaga.

"Puntahan mo na si Ishezea roon," utos ng ama na tinanguhan ni Aziria.

"I’m home!" isang matinis na boses ang bumalot sa buong unang palapag.

"God, Azimia. Lower your voice. Nakaririndi," suyaw ni Aziria dito. Hindi niya masabayan ang pagiging isip-bata nito.

Agad na napanguso ang kapatid. "Si Clesea, iniwan ako sa party!" tila bata nitong sumbong.

"Tapos dito ka mag-iingay? Si Clesea ang sigawan mo."

"Tama na ‘yan. Pagtatalunan niyo pa," pagitna ng ina.

Binago ni Azimia ang pinag-uusapan. "Ate, hindi ba nakamarriage contract ka at mamaya ang dinner? Bakit hindi ka pa nagbibihis? Nakita ko ‘yong lalaki sa picture, he’s not familiar."

Napahinto si Aziria sa sinabi ng kapatid. "Yeah, I forgot. Isasama ko na lang ang anak ko."

Umakyat si Aziria patungong kwarto. Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya agad ang kaniyang anak na mahimbing na natutulog.

Nagsalita siya para masiguradong tulog nga ito. "Anak, I’m here."

"Hmm?" ungol nito. "Huwag mo po akong niloloko, Tita Mia."

Napailing-iling siya. Mukhang pinagtripan na naman ni Azimia ang kaniyang anak na dumating na siya kahit hindi pa. O kaya ginaya ang boses niya at magsalita ng kung ano-ano para mauto ang kaniyang anak.

"Anak, it’s mommy."

"No, you’re joking."

"Open your eyes."

Sinunod ng anak ang utos ng kaniyang nanay. Nakaramdam agad ito ng galak nang makita ang ina. Halata sa mga mata nito ang saya.

"It’s you, mommy!" aniya habang nagkukuskos ng mga mata.

"Maligo ka na. We will go to your daddy, honey."

"Really?"

"Yes."

"Sige po."

Nagpatiuna na ito papuntang banyo.

NASA restaurant na sina Aziria kasama ang kaniyang mga magulang at anak. Ang kanilang kinita ay si Henry kaya medyo nagulat si Aziria doon. Takot siyang magtanong tungkol sa dati niyang kasintahan dito kaya mas pinili na lamang niyang manahimik.

The Hidden Princessजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें