Chapter 11:

4.6K 143 6
                                    

Aziria’s POV

"Tara na?" pagyayaya sa akin ni Israel nang mapalagay ang loob ko.

Tumigil na ako sa pag-iyak, medyo ayos na ang aking pakiramdam. Tumango ako sa kaniya.

"Subukan mo kayang ngumiti," aniya.

Hindi ko alam kung bakit niya inuutos iyon. Nakatingin siya sa aking labi kaya nakaramdam ako ng ilang. Napansin niya kaya umiwas siya ng tingin.

"Hindi uso iyon sa labi ko," pabiro kong sagot para tanggalin ang ilang sa amin.

Bigla siyang natawa na ikinakunot ng aking noo. "Okay. Fine. Let’s go."

Naglakad na kaming dalawa pabalik sa bahay ni Tyrone. Nasa malayo pa lang kami, tanaw na tanaw ko na sina Klyde, Trill, Keeno at Tyrone na halatang hinihintay kaming dalawa ng kasama ko.

Inalalayan ako ni Israel maglakad patungo sa aking kotse nang bigla akong hawakan ni Keeno. Natigilan ako ngunit hindi ko siya pinansin, hindi ko rin tinapunan ng tingin.

"Aziria." He’s begging.

Mismong kaibigan niya na ang humarang sa akin at tinanggal ang kamay ni Keeno mula sa aking braso.
"Bro, she needs space," baling ni Israel gamit ang malumanay na boses.

Nag-aalinlangan pa si Keeno kung tatanggalin niya ba ang pagkakahawak sa akin. Hindi katagalan, binitawan ako nito.

Walang sabi-sabi akong dumiretso sa aking kotse. Mabilis kong sinira ang pinto, pinaadar at umalis na walang lingon-lingon sa kanila.

Mabilis akong nakabalik sa condo. Nang makapasok ay humiga agad sa sofa. Wala naman akong masyadong ginawa pero ramdam na ramdam ko ang pagod. Ganito ba talaga kapag umiiyak? Nakapapagod.

Pumunta ako sa banyo para tingnan ang aking mukha. Kalat na kalat ang aking make up dulot ng pag-iyak ko kanina. Ngayon mabigat pa rin ang aking pakiramdam. Hindi ko ‘to naramdam nang katabi ko si Israel. Ganito talaga siguro kapag ikaw lang mag-isa.

Naligo na ako. Humiga sa kama para naman mawala wala itong sakit sa aking katawan. Gusto kong ipagpahinga ang buong pagkatao ko.

Makalipas ang ilang oras...

"Bee, gising! Gising!"

Naramdaman kong may gumigising sa akin kaya minulat ko ang aking mga mata. Bumungad ang mukha ni Clesea.

Agad ko siyang tinanong. "Bakit ka nandito?"

"Tinawagan kasi ako ni Tyrone dahil sa nangyari kanina kaya pinuntahan kita. Bakit ba kasi hindi nalang tumigil iyan si Keeno? May Israel ka naman na then I’m worried about you, baka umiiyak ka na riyan."

Nangunot ang noo ko dahil may binaggit siyang lalaki. "Dnadamay mo iyong taong may girlfriend," pabalang kong tugon. "Kahit tinulungan ako ni Israel, hindi ko pa rin makakalimutang pahirap sila sa buhay ko. Tatlong lalaking pumasok sa condo ko."

"Sayang nga, pogi pa naman." Inismiran ko ito dahil sa kaniyang sinabi. Basta kapag gwapo, auto sige si Clesea. "Bee, paano ka nga pala nagkacondo rito? Nakakapagtaka kasi-"

"Si Tito Millen."

"Okay." Tumango-tango siya. "By the way, kumain ka na. Hindi ako nanood sa YouTube. Nag-aaral na kasi ako kung paano magluto."

"Anong oras na ba?"

"7:00 pm na."

"Kagagaling mo lang sa school. Dumiretso ka agad dito?"

Ngumiti siya ng malawak. Nangunot ang noo ko. Bigla siyang sumigaw. "Magtatransfer na ako sa school moooooo!"

What? Is she serious?

The Hidden PrincessWhere stories live. Discover now