Aziria’s POV
Nilapag ko ang cellphone ko sa lamesa matapos kong kausapin ang tumawag. Humarap ako kay Israel nang magtanong siya.
"Sino ‘yon?" tanong niya.
"Si dad?"
"Ano raw ang kailangan?"
Lihim akong napabuntong-hininga. "Kailangan naming mag-usap, kaming lahat. Pupunta ako."
"With me," matigas niyang sabi.
"Huwag na. Kaya ko naman ang sarili ko."
"Sabi mo sa tabi mo lang ako," nakanguso niyang turan kaya napangiti ako roon.
"Babalik naman akong buo. Pamilya ko naman ang kakausapin ko. Don’t worry, okay?"
"Kukunin ka na nila sa akin," giit niya pa.
"I will not leave you," lansak akong tumitig sa kaniya.
"Hmm? Naniniwala naman ako sa ‘yo."
Pinisil ko ang pisngi niya gamit ang dalawa kong kamay at ngumiti rito. "That’s goods."
Lumabas akong nakangiti ng bahay ni Rael. Sumakay na ako sa kotse. Bago ako magmaneho, tiningnan ko muli si Israel na nakatayo sa gate. Malungkot ang kaniyang mga mata. Wala naman akong balak iwan siya. Para mapanatag ang loob nito, ngumiti ako ng matamis.
Nakarating ako nang matiwasay sa restong sinasabi nila. Agad akong pumasok sa loob na hinarang ng isang staff.
"Good morning, Miss Aziria Izzy Sullvian?"
I nodded.
"This way, ma’am."
Pumasok ako sa VIP Room. Kabubukas ko lang ng pinto, nakita ko agad ang aking mga magulang kasama si Azimia. Masayang nagkukwentuhan ang dalawang babae kaya nawala ang ngiti ko, napalitan iyan ng pagkaseryoso.
Umupo ako ng walang pasintabi. Natigil sila sa kanilang lahat at tiningnan ako.
"Bakit gusto niya akong kausapin?" tanong ko agad.
"Eat first, anak," mahinahong utos ni dad. Nakatingin sa mismong mukha ko.
"Finally, you’re here!" Tatayo sana si mom upang yakapin ako kaso mabilis kong iniwas ang aking katawan.
"Nasa hapagkainan po tayo," aniko.
Nagulat sila sa aking inasta. Hindi na dapat sila magulat dahil ilang beses na akong umasta ng ganito sa kanilang harapan. Naiilang na bumalik sa pagkaupo ang aking nanay.
"Kumain ka na, anak," basag ni dad sa katahimikan.
Napailing-iling na lang ako at nag-umpisa nang kumain. Nasa pagkain lamang ang atensyon ko, wala akong tinitingnan ni isa sa kanila.
"How's your school?"
Pasikreto akong napangiti sa kaniyang tanong. "Magulo."
Binaba ni Azimia ang kaniyang kubyertos at tinanong ako. "Ate, kumusta ka?"
"You have no rights to ask me." Napaigtad siya sa aking naging sagot.
"I just... want to know."
"Uulitin ko pa ba ang sinabi ko?"
Yumuko na lang siya at bumuntong-hininga. Nang matapos kaming kumain, pinunasan ko ng tissue ang aking bibig. Ganoon din naman sila.
"I’m bored. P’wede niyo nang umpisahan ang pag-uusapan," ako na ang unang nagsalita.
Nagkatinginan pa ang mga magulang ko bago sila mag-umpisa.
"Aziria, anak ko sa labas si Azimia. She’s my real daughter."
BINABASA MO ANG
The Hidden Princess
Teen FictionAziria Izzy Sullvian? Lumipat sa sariling pagmamay-aring paaralan nila o sabihin na nating stock-holder ang tatay niya. Ang dalaga ay nagtatago mula sa mga kaniyang magulang sa kadahilanang lubos na ikinagalit at ikinalungkot nito. Dito mag-uumpisa...