Clesea’s POV
Natapos ang party’ng iyon. Kapapasok lang namin ni Aziria. Iniwan namin si Azimia sa condo, mas pabor naman sa kaniyang manood na lang nang manood doon. Hindi pa alam ni dean, kilala niya si Azimia. Naghihintay lang ako sa desisyon ng kaibigan kong ‘to.
"Clesea!" tawag sa akin ng kaibigan ko habang naglalakad kami patungo sa silid.
"Bakit?" harap ko sa kaniya.
Nangunot ang kaniyang noo. Tila malalim ang iniisip. Ilang segundo muna siya bago magtanong dahil nagdadalawang isip siya kung magsasalita. "Paano mo malalaman kapag gusto mo ang isang tao?"
"At bakit, aber?" Huminto ako sa paglalakad. Humarap sa kaniya na nakapaywang. Ngayon lang kasi siya nagtanong ng ganiyan. Kailan pa siya nagkainteres?
"Just answer, please?"
"May nagugustuhan ka na, ano?" pangungulit ko pa. "Ayieee! Sino ‘yan? Share mo, bee, hoy! Secret lang natin!"
"Hays, kulit. Wala."
Napasimangot ako nang nauna na siyang maglakad. May nakita kaming nagkukumpulang estudiyante habang nakatingin sa bulletin boards. Mukhang pinagkakaguluhan nila. Bakit kaya?
Nakita rin namin sina Heart at Lara na tumatakbo patungo sa aming gawi.
"Oh, bakit?" kunot-noong tanong ni Aziria.
"Tingnan mo iyong nasa bulletin." Humahangos na tugon nila.
"Excuse me! Excuse me! Tabi!" Tinatabig ko pa ng marahan ang mga nakaharang dahil parang ayaw nilang magpadaan.
Nang makita ko, nanlaki ang aking mga mata.
ANNOUNCEMENT FROM MASTER MORRIS!
Kung sino man ang makakita sa kaniyang anak na si Aziria Izzy Sullvian ay may malaking pabuya.
Contact number: 09*******
Halos mapanganga ako sa nakita. May litrato pa ‘to ni Aziria na sobrang ganda niya. Mukha siyang yayamin sa kuhang iyon.
Aziria’s POV
Magbibigay talaga sila ng malaking pabuya para lang mahanap ako? Ano bang kailangan nila sa akin? Nagkukumpetensyahan lang naman sila ng nanay ko. Hindi pa nakuntento, may litrato ko pa. Mabuti na lang maayos ang hitsura ko roon kaya hindi mahalatang ako ang nandoroon. But my name, fuck!
Huminga ako nang malalim at tinungo ang harapan. Wala kong pasintabing sinira ang bulletin board kahit nilagay pa ng presidente ng school iyon.
"This is fake news!" I shouted at nagmadaling umalis na tila walang ginawa.
Nakasunod sa akin sina Heart, Clesea at Lara. Nang makarating ko ang pasilyo, napasuntok ako sa pader dala ng inis. Hindi ko maisip na ayaw nila akong patahimikin. Wala silang pakialam sa akin! Puro sarili lang nila ang kanilang iniintindi kaya ano pang kwenta ko kung makikita nila ako? Ginagamit nila ako para magpayabangan sa isa’t isa!
Mabilis kong pinunsan ang luha ko nang may tumulo roon. Mas lalong dumadagdag ang galit ko sa aking mga magulang. Isa lang ang gusto ko, pabayaan nila ako.
"Hindi dapat malaman ‘to nina dean at Tyrone lalo na sa mga nakabasa," malamig kong sabi habang nakayuko.
"Until now hinahanap ka pa rin pala," sabi ni Heart. "Hindi ko alam ang kwento ng buhay mo pero kapag ang anak daw ang kusang naglayas, malaki raw ang tampo sa mga magulang. My mom told me."
"Go," aniko. Sumandal ako sa pader at tumingin sa kawalan. "Para silang desperado’t desperada. Alam nilang nakahihiya ang ginagawa nilang dalawa kaya hindi nila pinupubliko."
BINABASA MO ANG
The Hidden Princess
Teen FictionAziria Izzy Sullvian? Lumipat sa sariling pagmamay-aring paaralan nila o sabihin na nating stock-holder ang tatay niya. Ang dalaga ay nagtatago mula sa mga kaniyang magulang sa kadahilanang lubos na ikinagalit at ikinalungkot nito. Dito mag-uumpisa...