Chapter 12.

4.3K 127 1
                                    

Clesea’s POV

Ano ba itong babaeng ‘to? Nakahihilo.

"Bee, nahihilo na ako sa ‘yo. Kanina ka pa palakad-lakad diyan. Ano bang problema ba?" Kunot-noo kong pagtatanong. Kilala ko ang babaeng ‘to, kapag may iniisip hindi talaga mapakali.

"Kasi e..."

"Ano?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Ninong Henry saw me. That was Israel’s father. I’m stupid, I forgot that’s why I don't want to be in their house."

"Ano naman kung nakita ka ni—Aray!" Napanguso ako dahil bigla ako nitong binatukan. Nangbabatok na lang bigla-bigla e.

"Obviously close friend sila ni dad. God, Clesea."

Bipolar talaga siya. Kanina problemado tapos ngayon ang arte-arte. Hindi ko talaga maintindihan ang ugali nito minsan.

"E, hindi naman ipinagkakalat ng pamilya mo na naglayas ka, ‘di ba?"

"Pwede rin pero ayokong maging kampante."

"Kapag walang lumabas na nahanap ka na nila, ang ibig sabihin lang niyon ay hindi nila sinabi." Tinaasan ko siya ng kilay, naghihintay sa kaniyang magiging sagot.

"E, paano si Budang?" Problemadong-problemado ang babaeng ‘to pero natawa ako sa budang, huh. "Kilala niya ako dati." Bakas sa mga mata niya ang pangangamba. Takot na takot siyang makilala.

"Nagkakilala na ba kayo dati?" Inisip ko rin iyon. Tumango agad siya. "Naalala niya ba?"

Sa aking pagtatanong, bigla siyang kumalma. "Ewan ko roon."

Napailing-iling ako. "Masyado mong iniisip, hindi ka naman pala sigurado." Tumalikod ako rito. "Kumain ka na, anong oras na."

"Oo na."

Aziria’s POV

"Oo na."

Sabay kaming kumain. Wala ni-isang nagsasalita sa amin, bihira iyon. Sobrang tahimik ni Clesea, laking pasasalamat ko. Nang matapos agad akong nag-asikaso ng aking sarili. Pumunta ako kay Clesea na nanunuod sa sala.

"Matutulog na ako. Manonood ka pa ba?"

Agad siyang humarap sa akin. "Sandali lang, taposin ko lang ito."

Hindi na ako sumagot. Dumiretso na ako sa kwarto, masakit ang katawan ko. Gusto ko nang matulog kaya hindi katagalan, nakatulog din agad.

Kinabukasan,

Dinilat ko ang aking mga mata. Tumingin agad ako sa orasan. Bigla akong napabangon nang makita ang oras. Fuck! 8:00 am na. Magsesecond subject na at ngayon ang report namin. Shit!

"Clesea! Clesea! Gising!"

Nagpuyat siguro ‘to.

Dumilat siya at wala sa sariling nagsalita. "Sige, magluluto na ako."

Hinarap ko siya sa akin. "Hoy! Anong magluluto?! 8:00 am na, we’re late!"

Natigilan siya habang nakatingin sa akin. Maya-maya. "Wahhhhhh! Late na tayo, bee! Tara na! Mag-asikaso na tayo!"

Baliw talaga, may sapak. Nagpuyat siya sa panunuod niya kagabi. Nasanay akong ginigising ako ng babaeng ‘to.

Ginawa na namin ang aming school routines. Halos magmadali kami sa pag-aasikaso. Si Clesea ay hindi na rin nakapagmake up ng kaniyang sarili.  Nang makarating sa parking lot ng condominium. Pinaharurot agad ang kotse. May nagalit pa ngang isang traffic enforcer. Nakahinga lang ako nang maluwag nang makarating sa paaralan. Agad akong bumaba.

The Hidden PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon