Chapter 30:

3.8K 122 3
                                    

Knight’s POV

Kasalukuyan akong nagmamaneho papuntang Delicacy Cafe para mag-almusal matapos naming magkasagutan ni Clesea. Kinausap pa ako ni Trill bago ako umalis. Grabe, kilala ko siyang palatawa, ang mga tingin at boses niya ay nakakakaba. Mabuti na lang exception ako sa makakaramdam niyon, hehe.

"You want to get revenge to Aziria using Clesea, huh? Sino ba sa dalawa ang gusto mo? Alam mo, iniisip ko ngang tama lang na iniwan kayo ni Aziria. Patapon ang mga isip niyo," ani Trill. Makikipag-usap na iniinsulto ako. Halata rin sa kaniya ang galit.

I smirked. "Why would I do that?"

"She don’t deserve that kahit si Azimia. Kung nakakapag-isip ka ng tama, maayos ang gagawin mo," matigas niyang sabi. "Lalaki ka ba talaga? Kawawa ka naman. Hindi makausad about Aziria."

I laughed. Natatawa sa kaniyang sinabi. "Give me a reason, Trill."

“She’s a girl,” ikli niyang tugon.

Masyado siyang seryoso. Masarap asarin. “Invalid, give me another one."

“She’s a girl."

"Another again."

"She’s a girl."

"One last chance, give me a valid reason." Natutuwa akong paglaruan siya.

"Fuck!" he cursed. "I’m not begging, okay?! I love her, understood? Stay away from her, Knight."

Iyan lang naman ang hinihintay ko. Mas lalo akong napagisi. "Paano kung ayoko?"

Palihim siyang napayukom ng kamao. "Go. Use her. Kaya kong ilipat ang gawain mo sa ’yo."

"What do you mean?"

Siya naman ang ngumisi. "You’re still in love with Aziria. I can, Knight. I can."

"A cheater," mahina kong bulong. Napailing-iling pa sa kaniyang katusuhan.

"Alamin mo kung saan ka lulugar. Mahal ko ang babaeng ‘yon. Kung magpapatuloy kang ganiyan, I’m not afraid."

May pumasok na kalokohan sa aking isip. "What if I love her too?"

"Fuck you."

Iyon, galit na galit sa akin si Trill. Mukha ba akong mang-aagaw para bakuran niya si Clesea sa akin? Parang aagawin ko ang asawa niya e.

Nakarating akong parking lot ng cafe. Huminga ako nang malalim at pumikit. Kaya nga ako pumunta rito para makapagrelax tapos hindi maalis sa isip ko ang pag-uusap namin ni Trill. Kainis.

Lumabas na ako ng pinto. Malakas ang naging tulak ko, inulit ko pa dahil tila may nakaharang.

"Kinginang ‘yan!” mura ng kung sino. Boses babae.

Napangiwi na lang ako nang tuluyan nang makalabas. Nakita ko ang babaeng nakaupo sa semento habang hawak-hawak ang kaniyang balakang.

Naiilang ko ‘tong nilapitan. "Miss, are you okay?"

Inis siyang humarap sa akin. Pumupunta pa sa mismong mukha niya ang hibla ng kaniyang buhok na nililipad dahil sa hangin. "Mukha ba akong ayos? Tulak nang tulak ng pinto. Pinagpipilitan."

"Huh?" medyo napikon ako sa sinabi nito. "Sino bang nag-utos sa ‘yong umupo ka sa parking lot? Wala ka sa playground, miss." Napalunok agad ako dahil masasama na ang titig niya sa akin. "Okay, fine. Sorry." Labag sa loob kong paumanhin.

"Ikaw pa may ganang magalit?!"

Ang lala naman ng anger issue nito.

"Shout again, I’ll kiss you." Nagpamulsa ako. Matapang siyang hinarap.

The Hidden PrincessWhere stories live. Discover now