Chapter 31:

3.5K 110 1
                                    

Aziria’s POV

Lahat ng tanong ni Sir  Buical ay nakuha kong sagutin. Natulog ako dahil alam ko na ang tungkol doon. Alam ko rin namang makikita niya akong matutulog kaya may lakas akong loob.

"Where gases are exchanged?" tanong niya pa sa akin.

Alam kong wala na siyang maitanong, ramdam ko iyon dahil kanina pa siya nangangapa maliban na lang kung may pinuputok pa ang butsi niya. Gusto niya lang yata akong ipahiya.

"Capillaries."

Ilang segundo muna ang lumipas bago siya muling magtanong. "Windpipe?"

"Trachea."

Puro key words na lang ang itinatanong niya sa akin. Kahit naman kasi habaan niya at laliman ang mga salita, naiintindihan ko pa rin.

"Breathing in?"

"Inhaling."

"Surround the air sacs?"

"Air sacs."

"Breathing out?"

"Exhaling."

"Sit down. Mabuti naman at nakakapagreview ka sa lesson natin," nakangiting sabi ni sir. Tinuro niya na ba ‘yon? Saka alam ko lang talaga. "Actually our lesson for today is about blood. Kailangan natin ‘tong isingit dahil kulang na tayo sa araw. Gahol ako sa sa sectiong ‘to."

Nagsitanguhan kaming lahat.

"We have four components of the blood. Ito ay ang red blood cell, white blood cell, platelets and plasma," aniya at nakaharap sa white board. Sinusulat ang kaniyang mga sinasabi. "Ang red blood cell, ito ang nagcacarry ng oxygen. Ang white blood cell, ang kumakain ng bacteria o infection. Platelets, ito ay nagpapatigil sa pagdurugo kung nasagutan ang iyong katawan. Ang last, plasma ang liquid na humahalo sa red blood cell."

Halos lahat ay nakikinig sa kaniya. Walang nag-iingay at tutok na tutok lang. Magaling na guro si Sir Buical, matalino kaya kung saan-saan nakakarating ang kaniyang tinuturo.

"Ang red blood cell ay p’wedeng pangdaya sa sports kung sakaling may sasalihan ka, halimbawa ang takbuhan. Ang mga athlectics ay nagpapakuha ng dugo, ilalagay sa refrigerator. Pagdating ng laban, iniinom ito o tinuturok para kapag tumakbo sila, hindi agad ‘to hihingalin dahil maraming red blood cells na nagbibigay ng napakaraming oxygen."

"The circulation is a transport of materials in living things. The heart is a pump of the blood. The arteries is a carry blood away from the heart. The veins is carry blood back to the heart. And the apillaries is connect arteries and veins."

"Sa mga pagdodonate naman ng dugo ay may benepisyon. Kapag nagdonate ka, mapapailitan ng bago ang dugo mo, makakatulong ka pa. Kaya kailangan ng mga doctors ng magdodonate ng dugo ng tao dahil hindi pa kaya ng mga scientists gumawa ng pekeng dugo. Hindi lahat ng type ng dugo ay maaaring isalin sa isang tao. Nakadepende ito sa blood type nito at sa blood type ng dugong isasalin. Ang mga taong may blood type A ay may A antigen at may plasma sa dugo na lumalaban sa blood type B. Ibig sabihin, ang mga blood type A ay pwedeng tumanggap ng dugo na type O at A ngunit ang B and AB ay hindi pwede. Para naman sa mga taong may blood type B, maaari silang salinan ng dugong type O and B, ngunit hindi A and AB. Ito ay dahil ang tipo ng dugong ito ay may B antigen at antibodies para sa dugong type A. Ang blood type AB ay may A at B antigens at walang antibodies. Ang mga taong may ganitong klase ng blood type ay maaaring salinan ng blood types A, B, AB at O kung kaya't sila ang universal recipient. Ang mga taong may blood type O ay walang antigen at may antibodies para sa blood type A and B. Dahil dito, hindi sila maaaring tumanggap ng blood types A, B and AB. Maaari lamang silang tumanggap ng dugo na blood type O ngunit pwede silang magdonate sa lahat ng blood types. Sila ang tinaguriang universal donor. Tinatayang nasa 44 hanggang 46% ng Pilipino ay type O," mahaba niyang paliwanag. Mabagal magsalita para maintindihan naming lahat. Napunta ang tingin niya sa akin. Nasa isip ko tuloy na ayaw niyang masira ang maganda niyang pagtuturo kaya ako ang tinawag niya. "Miss Sullvian, kung may nalalaman ka. Anong posibleng itanong sa ‘yo ng doctor bago ka kuhaan ng dugo?"

The Hidden PrincessWhere stories live. Discover now