Chapter 42:

3.3K 92 2
                                    

Aziria’s POV

Nagmamaneho ako ngayon papasok ng paaralan, nauna na ang aking mga kasama. Pinauna ko na sila dahil anong oras na akong nagising. Kausap ko ngayon si Israel sa phone, gamit ko ang earpiece.

[Nasaan ka na, love?]

"Malapit na ako."

[Bilisan mo but careful? You’re going to be late.]

"Hayaan mo ‘yan, pangingialam naman ng buhay ang tinuturo niyan," tukoy ko sa aming guro ngayon.

[Pabayaan mo na ang mga guro dito, love. Huwag mo na lang sila bigyan ng pansin dahil alam ko namang tigil din sila.]

"Okay, fine. Hindi ko makalimutan ang pagtatalo namin ni tito kahapon."

[Love, calm down. Nasa atin pa rin naman ang desisyon kung magpapaapekto tayo sa kanila. Hayaan mo na ang tito mo kung anong sasabihin niya, huwag na sanang maulit ang nangyari kahapon.]

Hindi ako nakasagot dahil malakas akong napapreno nang biglang may dumaang matanda. Napahilamos ako dahil aaminin kong kinabahan ako roon.

"Sandali, love," paalam ko at bumaba na ng kotse.

Nakita ko ang matandang nakahiga sa kalsada, sa mismong tapat ng aking sasakyan. Lumapit agad ako sa kaniya para itayo. Mahaba ang kaniyang buhok lagpas pang-upo, kayumanggi ang kilay ng balat at halata sa likod niyang kuba na siya.

"Lola, ayos lang po ba kayo? Kung may masakit, dadalhin ko po kayo sa hospital," maayos kong pakikipag-usap dito.

"Hindi na, hija," sagot niya sa mahinahong boses.

Nakukuha ng katawan niya ang atensyon ko. Ewan ko ba, suring-suri ko ito.

"Lola, sagot ko po kayo lalo na’t hindi ako masyadong nag-iingat. Muntik ko pa po kayong mabundol. Kung may masakit po sa katawan niyo, ipapagamot po natin." Hinintay ko ang kaniyang sagot pero wala. "Lola?"

Nakakapagtaka dahil nakatingin siya sa aking likuran. Tulala lang siya at titig na titig doon kahit wala namang dapat tingnan at wala namang tao.

"Hija, hindi mo ba ipapakilala ang kasama mo?" aniya.

Nilibot ko pa lalo ang paningin ko. Wala naman siyang tinutukoy. Agad tuloy nanlamig ang aking kamay. Inumpisahan na akong kabahan lalo na’t matanda ang aking kaharap.

"B-Bakit po, lola?"

Hinawakan ni lola ang aking kamay. Ngumiti siya nang hindi tumitingin sa akin. "Mag-ingat ka sa kaibigan mong ‘to. Nagpapaliwanag siya sa aking magkaibigan daw kayo."

"Huh?"

"Oum, magkaibigan kayo." Humarap siya sa akin. "Magkaibigan ba talaga kayo?"

Wala namang taong dumadaan.

Lumunok ako. "P’wede niyo po bang ilarawan sa akin ang hitsura ng kaibigan ko?"

"Ito ngang nasa likuran mo, kanina ka pa hinihintay," bahagya niya pa itong tinuro. "Kung kaibigan mo man ito, mag-ingat ka, huh? Lapitin ka ng masasamag kaluluwa at ramdam ko ang lakas sa kaniya."

Anong pinagsasabi ni lola?

"Mauna na po ako, lola " paalam ko. Aalis na dapat ako nang hawakan niya ang aking kamay.

"Suotin mo ang kwintas na ito. Huwag na huwag mong huhubarin."

Wala akong naging tugon. Nakatingin lang ako sa kwintas na nasa kaliwang palad niya. Alinlangan ko pang kinuha bago suotin. Ewan ko kung bakit ako sumunod sa matanda.

"Nagagalit na ang kaibigan mo. Huwag mong huhubarin iyan, huh?"

Naglakad na siya, hindi ko man lang nagawang magsalita. Napatingin ako sa suot kong kwintas. Nagtataka pa rin sa matandang iyon.

The Hidden PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon