Chapter 33:

3.2K 95 0
                                    

Tyrone’s POV

Pinanood ko na lang si Aziria’ng maglakad palayo sa akin. Umiiling akong tumalikod sa kaniya. Hindi ako bumalik sa paaralan dahil sigurado akong sermon ang abot ko sa aking tatay. Sasabihin na naman niya sa akin kung bakit hindi ko sinuway ang aking pinsan sa katigasan ng ulo niyon dahil ako ang nagbabantay sa kaniya.

Lumihis ako ng daan kung saan puro kakahuyan. Habang naglalakad ako, sinalpak ko sa dalawang tainga ang aking earphones. Mahinahong naglalakad sa ilalim ng musika. Nakasanayan.

Gulat akong napadilat nang sumakit ang aking pisngi, may kamaong lumapat doon. Mabilis kong tiningnan kung sinong may kagagawan, itong babaeng nasa harapan ko. Bubulyawan ko sana siya nang makita kong may limang lalaki siyang kaaway. What the? Naglalakad akong nakapikit kaya hindi ko alam na pumasok ako sa gitna ng away.

"My angelic face, jeez!" inis kong bulong at tinanggal ang earphones sa mga tainga. Tumuon ako sa babae. "What are you doing, brat?!”

"Ikaw nga dapat ang tinatanong ko. Pasok ka nang pasok sa away ko," aniya. Bakas ang hiya kahit matapang siyang magsalita. "Pasensya pala, nagkamali e. Malay ko ba kung sino ka."

"Are you freaking serious? Mag-isa ka lang and look at yourself. Payatot."

"Kapal mo," she smiled. "Idol ko ‘yong queen sa gang, tinry ko lang naman. Sa Cyclops Gang, kilala mo ba sila?"

I raised my right eyebrow. "Kilala mo kung sino ang pinuno?"

"Mukha lang pero pangalan hindi, e."

Napairap ako ng mga mata. Hindi ko na binalingan ang mga lalaki. "Alis na ako. Basagulera."

"Shooo, I can handle this!"

Prente akong naglalakad. Hindi nakaalis dahil hinarang ako ng dalawang lalaki. "Malas, ampota!" sigaw ko. Nagtitimpi ng inis. "Hoy, babae, ano ‘to? Badtrip, huh."

"Kaya mo na ‘yan," simple niyang tugon.

Napahinga ako nang malalim. Umatras ng lakad para magkapantay kami ng babae. "I can’t fight with them kaya tatakbo tayo," bulong ko rito. Hinawakan ang kaniyang kamay at ganoon din siya. "One, two, three. Takbo! Fuck!"

"Hoy! Bumalik kayo rito! Iyong babae, iiwan mo!" sigaw nitong mga ‘to pero hindi namin pinansin.

"Damay pa nga ako," reklamo ko sa kalagitnaan ng takbo namin.

"Dito na lang tayo," aniya. Huminto kami sa walang tao. "By the way I’m Sheena."

"I didn’t ask your name, shut up."

"Kinapogi mo ‘yan?”

"Ikaw? Kinacool mong makipag-away sa lima?"

Natameme siya sa aking tanong.

Aziria’s POV

Nagising ako nang sumakit ang aking ulo. Inilibot ko ang aking paningin, napagtanto ko agad na nasa sala ako. Nagtaka pa dahil malaya akong nakagalaw, hindi nakatali ang aking mga kamay. Walang galos ang aking katawan. Maingat nila akong dinukot.

Napatingin ako sa nagbukas ng pinto. Niluwa niyon si dad na diretsong nakatingin sa akin. Mukhang kanina niya pa ako hinihintay na magising.

"Master Morris..." Malamig kong banggit.

Ngumiti siya sa akin ng pagkatamis-tamis. Kahit nasa loob siya ng bahay, may bodyguards sa kaniyang likuran. "Welcome back, anak."

I laughed. "Acting nothing happens, huh."

Hindi niya pinansin ang pabalang kong sagot. "How are you, my baby girl? Welcome back home. Nasa akin ka na ulit."

"Baby girl your ass."

The Hidden PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon