Chapter 40:

3.5K 92 1
                                    

Aziria’s POV

"Ahhhh!" unat ko mula sa pagkakahiga.

Mabigat ang baywang ko kaya tiningnan ko kung anong nakadagan. Natawa ako nang makita ang ulo ni Israel na nakadagan sa aking tiyan, tila pinapakinggan ang loob niyon. Ang dami-daming unan, nakuha pang sa tiyan ko mahiga.

"Love," gising ko sa kaniya habang nagkukuskos ng mata. Inaalog ko rin ang kaniyang balikat.

"Tulog ang Isarel," aniya.

"Love, wake up. Tatayo na ako. May pasok tayo ngayon."

Marahan kong inihulog ang ulo niya sa kama.

"Maya na."

"Anong mamaya na—"

Natigil ako sa pagsasalita nang tumayo siya. Ngayon ko lang napansin na nakaboxer lang ito. Walang pang-itaas na damit. Kagabi ay hindi ko naman nakitang naghubad siya.

"Love, tara na," aniya. Napangiti nang makitang natigilan ako. "Gulat, huh? Parang noong natutulog tayo, panay yakap."

"Hambog!" bulyaw ko. "Tara na, gigisingin ko pa sina Clesea."

Lumabas na ako ng kwarto, sumunod naman siya.

Kumatok ako sa pintuan ng kwarto ni Clesea. Animo tuloy nakakahiya dahil tatlo kaming nakatira dito ngayon. Pumayag din kasi si Tyrone at iyon ang nakakapagtaka. Baka naman may dahilan siya.

"Clesea!" tawag ko.

"Oo, gising na!" sigaw niya.

"Bilisan mo na!"

Pumunta kami sa kwarto ni Azimia dahil may pagkatulog mantika rin iyon.

Hindi natuloy ang pagkatok ko nang bukas ang pintuan. Pumasok ako, hindi ko nakita si Azimia. Lalabas na dapat nang may mapansin akong nakapatong sa kama niya.

Isang litrato.

Halos gumulo ang aking isipan nang makita ang nasa litrato. Paano naman nangyari iyon? Si Azimia at ang aking nanay ay magkasama. I think, Azimia is nine-year-old. Eight-year-old nawala si Azimia.

"Love, ano na?"

Nawala ako sa pag-iisip nang tawagin ako ni Israel. Kasama ko pala siya. Nag-alinlangan pa akong ibalik ang litrato. May gumugulo na naman ang isip ko. Napabuntong-hininga na lamang at lumabas.

"Tara na," malumanay na aya ko.

Bumaba kami. Nakita namin si Clesea na kausap si manang.

"Good morning, manang," bati ni Israel dito.

"Hijo, kumain na kayo." Napabaling sa akin si manang. "Ikaw pala ‘yong—"

"Ah, manang. Si Azimia po? Wala po kasi sa kwarto niya kanina," biglang singit ni Israel.

Kailan pa niya tinanong kung nasaan ang kapatid ko? Pati si Clesea ay napatigil sa naging tanong ni Israel. Hindi ko alam kong ano ang iba kay Clesea para tumingin siya. Tinigil lang yata ni Rael ang sasabihin ni manang.

"Nandito ako, ate!" sigaw ni Azimia mula sa labas.

"Kakain na at papasok, kung saan-saan ka pa pumupunta," sabi ko. "Morning, manang."

Tumango siya sa akin. "Kumain na."

Tumingin ako sa aking nobyo na abala sa pagsimsim ng kape. Pagkaupo ko, siya namang pasok ni Azimia.

"Saan ka ba galing?" si Clesea na ang nagtanong dito.

"Sa labas lang, ang tagal niyo kasing magising," aniya.

The Hidden PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon