Aziria’s POV
"Ikaw ba ang queen?" Halos manuyo ang aking lalamunan nang may nagtanong n’on.
Inangat ko ang aking ulo, akala ko ay si Trill ngunit abala siya sa pagkain. Tumingin naman ako sa likuran, may dalawa akong babaeng nakitang nanunuod ng video.
"Kung ikaw si queen, ako na lang ang princess kasi ako rin naman papalit sa ‘yo dahil matanda ka na, HAHAHAHA!" sabi pa ng babae.
Nakahinga naman ako nang maluwag, akala ko kung sino ang tinatanong. Nanunuod lang pala sila ng fairytales. Ganoon na ba ako kapraning? Napansin ko naman na salubong ang kilay ni Trill sa akin kaya humarap ako sa kanya.
"Namumula ka, Badang. Tuloy mo lang iyan, ang ganda mo," kaswal niyang sabi na may pagkahalong seryoso.
Matapos niyang sabihin ‘yon muli siyang bumalik sa pagkain. Parang wala siyang sinabi.
"Hindi," tipid kong sagot at uminom ng tubig.
"You’re pretty, believe me." Ngayon ko lang siya nakitang magseryoso. "Kapag tititigan kita ng matagal, nakikita ko talaga. Sana kasali ka sa acquaintance party." Ngumiti siya sa akin.
Huminga ako nang malalim at seryoso siyang tiningnan. "Ayokong umattend."
Nahalata ko agad na nadismayado agad ang kaniyang mukha. "Bakit?"
May pakiramdam akong may makakikilala sa akin sa party, iyon ang dahilan. Hindi nagkakamali ang aking pakiramdam.
"Wala lang."
Tumango-tango siya. "Yayayain sana kita as my partner." Binalingan niya ako. "Pero mukhang wala ka ngang balak na pumunta, it’s okay."
"Should I say sorry?" Sinubo ko ang pagkaing nasa aking kutsara. "Sorry."
Nangunot ang aking noo nang bigla siyang tumawa. "Asarin na lang kita kung gan’on." Napasimangot ako dahil sa kaniyang sagot. Siraulo talaga kahit kailan.
Napaisip ako kaya muli akong nagsalita para magtanong. "Bakit sir ang tawag niyo kay dean?"
"Hmm." Tinapos muna niya ang kaniyang pagnguya bago sumagot. "Noong nakaraang araw, gan’on din naman ang tawag mo. Bakit nga ba?"
"Answer my question first."
"Ewan, HAHAHAHAHA!" Lagi ba talaga siyang nakatawa? "Nasanay kami saka dati naging guro din si Dean kaya karamihan iyon ang tawag sa kaniya."
Tumango-tango ako sa kaniya at tumingin sa entrance. "Look, Dean is here."
Bihira lang pumunta sa cafeteria ang dean. Anong ginagawa ni tito rito? Anong kailangan niya?
"Bakit parang dito papunta?"
"Hindi ko alam," kaswal kong sagot at bumalik sa pagkain.
Habang nakayuko, may napansin akong lalaking nakatayo sa aming harapan kaya walang akong choice kung hindi i-angat ang aking ulo.
Agaran akong tumayo at yumukod. "Good morning, dean." Peke akong ngumiti rito.
"Good morning po," bati rin ni Trill.
Napatingin ako sa likuran ni dean, kasama niya ang kaniyang secretary na si Faith.
Huminga siya nang malalim saka nagtanong. "Wala ka bang klase, Ms. Sullvian?" Seryoso ang tono ng kaniyang boses.
Magalang akong sumagot lalo na’t maraming estudiyanteng nakatingin. Ayokong pagchismisan kahit naman wala alam ang mga ito. "Wala pa po, dean." Marunong pa rin akong gumalang.
"Napag-isipan kong kailangan mo talaga mapag-isa kaya walang makararating sa pamilya mong may nangyari sa ‘yo." Huminto si tito at bumuntong-hininga. "But I don’t want anyone to hear again that something happened to you here, inside or outside. Because I won’t doubt that it won’t get to your parents. Avoid trouble at huwag nang patulan ang mga eeksena sa buhay mo dahil sila lang ang pagpapagulo sa pag-aaral mo rito." Maowtoridad na sabi niya.
BINABASA MO ANG
The Hidden Princess
Teen FictionAziria Izzy Sullvian? Lumipat sa sariling pagmamay-aring paaralan nila o sabihin na nating stock-holder ang tatay niya. Ang dalaga ay nagtatago mula sa mga kaniyang magulang sa kadahilanang lubos na ikinagalit at ikinalungkot nito. Dito mag-uumpisa...