Chapter 22:

3.9K 122 1
                                    

Israel’s POV

Isang linggo na ang nakalilipas, nagawa ko naman ang maayos na panliligaw kay Aziria. Nandito kami ngayon sa pasilyo, nakatambay. Nakaiinis pa dahil ang daming nakatingin sa aming babae, panay kuha ng litrato at ipopost sa social media.

"Bro, in love ka ba talaga kay Aziria?"

Napataas ang kanang kilay ko sa kaniyang tanong. Ang layo dahil iba ang pinag-uusapan namin. Sa isang linggo kong panliligaw, ngayon lang siya nanigurado. What’s wrong with him?

"What do you think?" balik kong tanong.

"Alam mo, Trill," sabi ni Klyde na nakatingin sa kawalan. "Sino bang hindi ma-iinlove kay Aziria?
Maganda siya kapag pinagtatanggol niya ang sarili niya, takot din ang ibang lalaki. She’s good at singing. Let’s admit she’s beautiful, hmm?"

"Yay! Bakla! HAHAHAHAHAHA!" Pinalo ni Trill ang balikat ni Klyde. "Wo—Aray!"

Binatukan siya ni Klyde. "I’m serious. Uso ba ang love at first sight? Ganoon kasi ang nangyari sa akin dati kay Aziria.”

"HAHAHAHAHAHAHA! Pare-parehas pala tayo!" Napailing-iling si Trill. "Pero kay Rael na, kawawa siya pagdating sa love life e. HAHAHAHAHAHA!"

"Baliw," ani Klyde. Hinarap ako. "Are you in love?"

Nakangiti akong sumagot. "I’m deeply in love."

"Tsk," singhal ni Trill at ngumuso.

"Problema mo, Trill?" tanong ni Klyde.

"Don’t fool us, Israel," aniya na ikinagulat ko. "You broke up with Natasha with two reason. First, you felt guilty and second, she cheated on you. After ng break up niyo, you courting Aziria now? For what reason? Are you using her to move on?"

I was stunned but I answered him honestly. "I admired Natasha but I don’t love her anymore. I love Aziria, so much. If you don’t believe, I can prove it to you. Natasha is just a nobody."

"Fine!" pagsuko niya. "Don’t hurt her, Israel. Keeno is waiting for her. Ayaw ka naming magsisi. Be careful with your actions and decisions, okay?"

"Bakit, Trill? Ayaw mo ba kay Azimia? HAHAHA!" Tumaas-baba pa ang dalawang kilay ni Klyde habang nakatingin kay Trill. Teasing him.

"Doon?!" Nanlaki ang kaniyang mga mata.  "Like, ugh? Of course not."

"She’s beautiful, too," ani Klyde.

"Yes, she’s baeutiful but childish," si Trill.

"She’s beautiful but childish.  She’s beautiful but childish. Nyenyenye!" Napatingin kami sa nagsalita. Nakita namin si Azimia kasama si Clesea.

"I’m kidding, mature girl!" pagbawi ni Trill sa sinabi niya kanina.

"I can punch you!" sigaw ni Azimia. Aambahan pa sana ng suntok ‘tong kaibigan namin.

"Psh! Doon ka nga pangit! I don’t socialize with pangit!" balik na sigaw ni Trill.

Napadako ang tingin sa akin ni Azimia. "Oh, kuya. Ate is not here, iniwan namin!" sabay silang tumawa ni Clesea.

"Pupuntahan ko lang."

Nagpaalam ako sa kanila. Ngumiti at nag-umpisa nang maglakad. Hindi pa ako nakalalayo nang makita ko siyang naglalakad patungo sa akin. Nakasuot siya ng earphones at nakapikit habang naglalakad.

Hays, Aziria.

Tatakbuhin ko na sana kaso biglang pumunta si Keeno sa kaniyang harapan. Mula sa akin, nakatalikod ang kaibigan ko at nakaharap si Aziria sa akin.

The Hidden PrincessWhere stories live. Discover now