Chapter 23:

3.6K 112 2
                                    

Clesea’s POV

Kahapon nang umuwi kami ni Azimia, wala kaming naabutang Aziria. Nang maggabi, agad din naman siyang umuwi. Kaya nga lang, pilit namin siyang kausapin ni Azimia dahil hindi kami pinapansin. Masaklap pa dahil diretso siya tulog kagabi.

Ako naman ang palaging nagigising kaya pinuntahan ko na sila.

"Gising na, bee," mahina kong yugyog sa kaniyang balikat.

Agad siyang tumayo at ngumiti sa akin. Tila nga walang nangyari sa kaniya kahapon. Mukhang alam niya na kung paano magdala ng emosyon.

Sinunod ko si Azimia. "Wake up. Papasok pa tayo."

"Hmm?" halinghing niya.

"Bilisan mo na riyan."

Labag sa loob niya ang tumayo, nakanguso pa. "Ito na."

"Azir—" Hindi ko na tuloy ang sasabihin ko nang makitang wala ng Aziria. Masyado naman siyang sabik maligo.

Pumunta na ako sa kusina at pinagluto ng tuyo si Aziria. Nasampal ko siya kahapon dala ng emosyon. Baka sakaling pansinin kami kapag nalaman niyang niluto ko ‘to para sa kaniya.

Nang matapos ako magluto, siya namang pagdating ng dalawa. Tapos na maligo. Umupo na ako sa upuan, sumunod sila.

"Kumain na kayo," aniko habang kumukuha ng pagkain para sa akin.

"Ikaw nagluto, Ate Clesea?" tanong ni Azimia.

Tumango ako sa kaniya. Hinarap ko si Aziria. "Aziria, nagluto ako ng tuyo." Itinapat ko pa ‘to sa kaniyang harapan.

Agad nangunot ang kaniyang noo at napangiwi. "Eww, I don’t want tuyo."

Kumurba agad ang pagkakunot sa aming noo ni Azimia.

"Ate, that’s your favorite!" pilit pasiglahin ni Azimia ang boses niya kahit nagtataka na siya.

"Azimia is right. Ayaw mo ba? Itatapon ko na lang."

Agad siyang natigilan at ngumiti. "Hehe. No, akala ko kasi ibang isda. Naano kasi ako sa amoy."

Hehe? What the fuck? Ayan na ba ang epekto ng love life kay Aziria? Ngayon ko lang siya narinig tumawa ng ganiyan. Ano kayang pinakain ni Israel sa kaibigan ko? Baka naman hindi ayos ‘tong si Aziria, nagpapanggap lang sa harapan namin.

"Okay, eat." Nilagyan ko na ang pagkain niya. Alinlangan pa siyang kumuha. Nang tikman, parang pilit pa.

Bigla siyang naduwal. "Busog ako, Clesea." Agad siyang tumayo sa upuan. Tila nag-iisip.  "Hintayin ko na lang kayo sa parking lot. Eat well."

"Wait!" Napatayo ako. Hinarap niya akong nakataas ang kaniyang kilay. "Nagmake up ka? Because of Natasha? Hindi mo na kailangan ‘yan. Mas maganda ka roon." 

Napairap siya sa amin. "Whatever." Agad din siyang umalis.

"Siguro may red days iyon? HAHAHAHAHA!" Azimia laughed.

"True. Nagmake up pa. Babae nga naman."

Naligo na ako nang matapos kumain. Agad kong tinawag si Azimia nang matapos ako sa aking sarili.

"Let’s go, ‘Mia. Baka mainip na ‘yon si Aziria."

Agad siyang lumabas ng kwarto. Natatawa siyang lumapit sa akin dahil kay Aziria. Pagdating namin sa parking lot, naaubutan namin ni Aziria na may kausap sa cellphone.

"Fuck shit, It’s so hard!" aniya sa kausap.

Natatawa na namang bumaling si Azimia sa akin. "Pati mura ni ate improved! HAHAHAHAHAHA!"

The Hidden PrincessWhere stories live. Discover now